Fil2 (3rd Grading) Flashcards
batay kay ________, ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa
mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. Kadalasan, isa sa mga dahilan ng
kahinaan sa pagbasa ay ang kakulangan sa pagpapakahulugan ng salita kaya
mahalaga na may mayamang bokabularyo ang mambabasa upang higit na
maunawaan ang binabasa.
Leo James English,
Ayon naman kay __________, ang pagbasa ay isang
sosyolinggwistiks na larong panghuhula na kung saan ang mambabasa ay
nagbubuo muli ng isang mensahe sa pamamagitan ng kahulugan ayon sa
kanilang nabasa at naunawaan. May mga pagkakataon na ang mambabasa
ay siyang nagbibigay hinuha at kahulugan sa nilalaman ng teksto.
Kenneth Goodman
Naniniwala naman si ________ para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto,
kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa upang maiugnay sa kaniyang
kakayahang bumuo ng konsepto, kaisipan at kasanayan. Makatutulong ang
mga nakaimbak na impormasyon sa isipan ng mambabasa upang lubos na
maunawaan ang nilalaman ng teksto.
Coady
pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang
ipaliwanag ang mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga
gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag- unawa sa mga ito
Teorya sa Pagbasa
Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa bilang
aktibong kalahok sa proseso ng pagbasa na may dati ng kaalaman na
nakaimbak sa kaniyang isipan patungo sa teksto. Naimpluwensyahan ito ng
sikolohiyang Gestalt na nagsabing ang pagbasa ay isang holistic process.
Tinawag din itong “inside-out o conceptual driven” sa dahilang ang
pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Itaas-Pababa (Top-Down)
Tinatawag din itong pagkilala sa salita. Ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto
patungo sa mambabasa. Ang pagkatuto ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala
ng mga titik, salita, parirala, pangungusap at buong teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan. Tinatawag din itong “outside-in o data driven” sapagkat ang
pag- unawa ay nagmula sa teksto.
Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)
Ang pag-unawa bilang isang proseso ang pokus at hindi ang produkto. Mahalaga
ang metakognisyong taglay at kaalaman ng mambabasa sa teoryang ito. Sa tulong
ng dating kaalaman, ideya at konsepto ng mambabasa tungkol sa mga
bagay-bagay sa paligid at sa paksang binabasa, nauunawaan ng mga mag-aaral
ang binabasa. Mas mahalaga sa pananaw na ito kung paano nauunawaan ng
mambabasa ang teksto sa pamamagitan ng mga estratehiyang ginawa upang lubos
na maunawaan ng tekstong binasa.
Teoryang Interaktiv
Sinasabi sa teoryang ito na ang teksto pasalita o pasulat man ay pinaniniwalaang
walang taglay na kahulugan sa sarili. Ito ay nagbibigay lamang ng direksyon sa
nakikinig o mambabasa kung paano nila gagamit at paano bubuo ng
pagpapakahulugan mula sa kanilang kaalaman. Ang “background knowledge” ay
saligang kaalaman ng mambabasa at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman
at tinatawag na iskemata. Sa mga natatatamo natin na kaaalaman sa pagbabasa,
mahalagang magamit natin ito sa pagbuo ng makabuluhang bagay upang
magkaroon ng saysay ang mga binasa nating akda.
- Teoryang Iskema
Ito ay pagsususri sa gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa
estruktura para maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon at retorikal na
ugnayan ng isang sulatin.
Intensibong Pagbasa
Ito ay isinasagawa para makakuha ng pangkalahatang pag- unawa sa maramihang
bilang ng teksto.
Ekstensibong Pagbasa
Isang pisyolohikal na proseso ang pagbasa dahil sangkot dito ang mga mata na
siyang ginagamit natin upang makita, matukoy at makilala ang mga imahe at
simbolo. Sa tuwing tayo’y nagbabasa, ang simbolo o imahe ay may liwanag na
tumatama sa retina ng ating mata. Nagkakaroon ng mga pagbabagong kemikal na
dumadaloy sa ating ugat patungo sa cerebral cortex, ang sentro ng ating utak na
nagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga simbolo.
Pisyolohikal na Aspekto ng Pagbabasa
Ayon sa organisasyong SEDL, dating kilala bilang The Southwest Educational
Development Laboratory, na gumagawa ng mga pananaliksik pang-edukasyon,
may dalawang pangunahing hakbang sa kognisyon: pagkilala (decoding) at
pag-unawa (comprehension). Una, kinikilala muna natin at binibigyang-anyo ang
mga simbolong tinututukan ng ating mga mata. Habang nagaganap ito ay
inuunawa natin ang ating binabasa. Ang mga titik at simbolo ay naipapamahagi sa
iba’t ibang sentro ng utak (pakiramdam, imahinasyon, kagustuhan, at iba pa) at
nagkakaugnay-ugnay upang magkaroon tayo ng pagkilala at pagkaunawa sa
kahulugan ng mga nakalimbag na simbolo. Mahalaga ang pagsasama ng mga
kasanayang ito sa pagbasa.
Kognitibong Aspekto ng Pagbabasa
Ang wika ay napakahalagang kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Bawat wika ay
may kaniya-kaniyang estruktura at kahulugan na kailangang alamin upang
maunawaan ang impormasyong ipinahayayag nito.
Komunikatibong Aspekto ng Pagbasa
Isang panlipunang gawain ang pagbasa. Kahit saan magpunta at kahit saan
tumingin ay napakaraming maaaring basahin. Sa kasalukuyan,
pinakamaimpluwensiyang pinagkukunan ng ideya at kaalaman ay ang internet.
Sari-saring impormasyon ang makukuha mula rito, halimbawa ay ang mga isyung
pinag-usapan at binabasa ng nakararami.
Panlipunang Aspekto ng Pagbasa
Kakayahan ito na mabigkas ang salita bilang makahulugang yunit at pagkilala ng
mga nakalimbag na simbolo o sagisag.
Persepsyon o Pagkilala
Ito ay higit pa sa pag-unawa ng mga salita, pangungusap o talata. Ito ay pagkilala
sa pagkakaugnay ng salita sa kapwa salita, sa isang pangungusap, ng mga talata
sa isang pahayag.
Pag-unawa
Kakayahan itong humusga o magpasya ng kawastuhan ng binasa gayon din ng
kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa mga isnulat ng may-akda.
Reaksyon
Kakayahan ito sa pagsasama-sama at
pag-uugnay-ugnay ng mga nakaraang karanasan patungo sa kasalukuyan.
Asimilasyon o Interaksyon