CW (3rd Grading) Flashcards
Ang pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan
Pagsulat
uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa.
Reperensiyal na Pagsulat
isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na para layunin
Teknikal na Pagsulat
isang uri ng pagsulat ng balita. Pampahayagan ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o journalist.
Dyornalistik na Pagsulat
Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Akademikong Pagsulat
Pagsulat masining na uri ng pagsulat sa larangan panitikan o literatura, ang tuon ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Makathaing/Malikhaing Pagsulat
tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa damdamin ng mambabasa.
Bisang Pandamdamin-
nilikha upang magbigay dunong, magbigay-aral at humubog ng katauhan.
Bisang Kaasalan-
nagbubunsod sa mga mambabasa na mag-isip upang umunlad ang diwa at kaisipan.
Bisang Pangkaisipan-
- tumutukoy sa bugso ng emosyong lilitaw sa mga mambabasa pagkatapos mabasa ang akda.
Emosyunal na tugon
nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan. Ito ay ang mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan nang malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Imahen o larawang-diwa -
- ito ang pagkalikot sa isipan ng mambabasa, ang kanyang tugon ay batay sa kanyang pananaw, karanasan, at kagustuhan.
Intelektuwal na tugon
ito ay tumutukoy sa mga salita na pumupukaw sa imahinasyon ng mga mambabasa.
Kariktan ng tula -
- ito ay ang misteryo ng isang tula na magbibigay palaisipan sa mga mambabasa.
Talinghaga
isang uri ng akdang pampanitikan na nagtataglay ng iba’t ibang elemento tulad ng sukat, tugma, mga tayutay at idyoma.
Tula -
tumutukoy sa masining na pagpapahayag sa isang akda.
Retorika
Bagama’t may lalim ang mga salita, kinakailangan pa ring may nabubuong paksa sa isip ng mga mambabasa;
Bumubuo ng imahen o larawang-diwa sa mga mambabasa.
Ang mga salita ay pumupukaw sa imahinasyon ng mga mambabasa at maaaring umantig sa kaniyang damdamin nang sa gayon ay maging kawili-wili;
Nagtataglay ng kariktan.
Ang talinghaga o misteryo nang isang tula ay
lumilitaw sa pamamagitan ng paggamit ng mga tayutay at idyoma. Ito rin ang magbibigay ng palaisipan sa mga magbabasa at nagbibigay daan upang mas lalong siyasatin ang akda;
Gumagamit ng talinghaga bilang kaluluwa ng isang tula.