Fil (2nd Grading) Flashcards
Kapag gumagamit ng mga matatalinghagang salita sa paglalarawan na ginagamit sa literari na akda.
Masining na Paglalarawan
Hinati ni ____________ ang kakayahang komunikatibo bilang Cognitive Academic
Language Proficiency (CALP) at Basic Interpersonal Communicative Skills (BICS)
James Cummin
Kabaligtaran naman ito ng klaymaks,
tumutukoy sa pahayag na pababa ang antas o sidhi ng kahulugan ng mga salitang sunod sunod.
Antiklaymaks
ay isang impit na tunog (glotal stop) o saglit na pagpigil sa hangin.
ponemang (‘)
ay mga katagang pang-abay na isinasama sa pangungusap upang higit na makapagpalinaw, magkaroon g panibagong kahulugan o mabigyang-diin sa pahayag na nais iparating sa kausap o mambabasa.
Ingklitik o paningit
Sa komunikasyon, mahalagang matutunan na ang mensahe ay binubuo ng pangnilalaman (content) at relasyonal (relational) na dimensyon.
Ang komunikasyon ay binubuo ng
dimensyon
Ito ang _________ sa mga bagay na
magkakaugnay. Ang pagpapalit ay ginagawa sa paraan ng paggamit ng sagisag para sa tinutukoy na tao o bagay. Tandaan na ang tao o bagay sa pagpapalit-tawag ay dapat magkakaugnay. Magkakaugnay sa paraan ng kaugnayan sa isa’t isa, hindi sa kahambingan.
Pagpapalit-tawag o Metonimiya
ito ang ayos ng pangungusap kung saan nauuna ang panaguri (tumutukoy tungkol sa simuno) bago ang simuno (ang pinag-uusapan) sa pangungusap.
Karaniwang Ayos
Dalawang sabset ng Komunikasyong Interpersonal
- Dyadic
- Small Group
Ito ang tipikal na ibinibigay na kahulugan ng mga awtor sa komunikasyon. Sinasabi na sa komunikasyong ito, naisagawa ang paraang pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o maraming indibidwal.
Komunikasyon bilang Transaksyon
Sa bahaging ito gumagamit ng kilalang lugar ang isang may akda upang mabigyan ng diin ang nais nitong ipahiwatig.
Alusyon sa Heograpiya
Ikaw at ako ay dapat magligpit at magsasaayos ng ating mga basura.
Tambalang simuno at Tambalang panag-uri.
ang tawag sa salitang - ugat na dinugtungan ng panlapi. Isa sa mga paraan upang makabuo ng salita. Ito ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang - ugat upang makabuo ng panibagong salita. Ito ay maaring sa unahan, gitna, o hulihan. May mga salita ring maylaping kabilaan.
Maylapi
“Tikbalang Kalipilako/Naning”- naging mananaliksik ng kilusang Propaganda.
Mariano Ponce
Jose P. Laurel, nagkaroon ng puppet government
1943
Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil nakapaloob dito ang iba’t ibang aspeto ng mensahe ang berbal at di-berbal at behavior ng tagapagdala at tagatanggap.
Ang komunikasyon ay komplikado
Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Anapora
Sa uring ito, maayos na naipadala at nabigyang kahulugan ang mensahe ayon sa inaasahang kahulugan o layunin nito.
Tagumpay na Komunikasyon
Nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kapag nilalagyan ng hulapi.
Pagkakaltas ng Ponema
Malinta Tunnel, dito sinalakay mga Hapones ang pasyente at nurses
May 5, 1942
Ito ay proseso ng komunikasyon na ang mensahe at kahulugan dito ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang.
Komunikasyong Intrapersonal
Ito ay berbal o di-berbal na porma ng ideya, naiisip o nararamdaman ng isang tao. Ang mensahe ang nilalaman ng interaksyon na kung saan nakapaloob ang simbolo (salita o parilala) na ginagamit para ipahayag ang ideya, gayundin ang kilos ng katawan, pisikal na kontak, tono ng boses at iba pang di-berbal na galaw.
Mensahe
nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling)
Enerhiya (Energy)
Ikaw at ako ay dapat magligpit ng ating mga
basura.
Tambalang simuno at Payak na panag-uri.
gambala sa isipan ng tao tulad ng wala sa katinuan sa pag-iisip o may dala-dalang problema sa pamilya, relasyon at trabaho.
Sikolohikal Ingay
Pagpapahayag sa naglalayong maghayag nang sunod-sunod na isang pangyayari, mga tauhan at may tagpuan. Ito rin ay teksto na nagbibigay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari habang nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na sitwasyon, tagpo, panahon, at mga tauhan.
Pasalaysay
mababa na halaga ng pera
Mickey Mouse Money
Gumagamit ng “hindi” upang ihudyat ang akala na pagsalungan, pagpigil o di pagsang-ayon ngunit sa katotohanan ay pakunwari lamang. Ipinaparating ang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Litotes o Pagtanggi
Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto ang mga ito upang magkaroon ng kahulugan.
Morpemang Pangkayarian
Tumutukoy sa makabuluhang tunog na nangangahulugan na maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita.
Ponemang Segmental
Sa paraang ito, nagkaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawa o higit pang tao ngunit ang pagpapalitang ito ay isang representatibo ng mas tipikal na persepsyon ng komunikasyon.
Komunikasyon bilang Interaksyon
ito ay ang mga pangungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, bagay at iba pa.
Eksistensyal
KAYARIAN NG MGA
SALITA
Payak, Inuulit, Maylapi at Tambalan
Kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito’y nialalapian. Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/ sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng salitang
Paglilipat-diin
Ito ay tinatawag ding kambal katinig dahil binubuo ito ng dalawang magkaibang katinig sa loob ng isang salita.
Klaster
Ang tagapagdala (sender) ang nagsasagawa ng pagbibigay o pagsisimula ng pagpapadala ng mensahe (enkowd) na bibigyang kahulugan (dekowd) ng tagatanggap (receiver) ayon sa inaasahan o layunin ng mensahe nito.
Mga Tao
Ito ay makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita. Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema. Ito ay ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking kahulugan. Ito ay maaaring panlapi o salitang ugat.
Morpolohiya
Ito ay nagsasaad ng katatapos na kilos.
Ka-Pandiwa
Pagpapadala ng simpleng text o mensahe ni Christopher kay Janine subalit hindi nabasa ang mensahe. Sa ganitong paraan, mahirap makita na ito ay isang komunikasyon dahil walang nakabasa, subalit mayroong pagtatangka o attempt na naganap para magsagawa ng komunikasyon.
Komunikasyon bilang Aksyon
Ito ay uri ng tekstong nagpapahayag na may
tunguhin, ang ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran at mga kaisipan.
Paglalahad
Ang manunulat ay gumagamit ng mga kilalang tauhan o lugar mula sa Bibliya.
Alusyon sa Bibliya
ay mga salita na magkatulad o magkatunog ang bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan. Ang pares na ito ng salita ay kakikitahan ng kaibahan ng isang ponema sa magkatulad na lokasyon.
Pares-minimal
Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig na binibigyang-diin.
Diin o Stress
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao, talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos. Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-katauhan.
Personapikasyon
ay isa sa uri ng tayutay na tumutukoy sa tao, lugar o mga pangyayari gamit ang mga taong tanyag o may pinag-aralan. Ang tayutay na ito ay ginagamit upang bigyan ng diin o lumatang ang isang paksa.
Alusyon
Tuwiran ding paghahambing ngunit hindi na
ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Metapora o Pagwawangis
Ayon kay ___________, mayroong uri ng komunikasyon na dapat maunawaan ang isang mag-aaral ng wika.
Laura Guerero at Kory Floyd
(2006)
Kapag gumagamit ng mga simple o
ordinaryong salita na abot ng kaisipan ng isang ordinaryong mamamayan.
Pangkaraniwan na Paglalarawan
Ito ay salitang pinagsama para makabuo ng isa lamang salita. Ito rin ay binubuo ng dalawang kaisipan o dalawang payak na pangungusap at pinag-uugnay ng mg pangatnig na tulad ng: ( at, pati, pero, samantala, o, maging, ngunit)
Tambalan
ang tawag sa tunog ng bawat titik (mga patinig at katinig) sa buong salita at pagdudugtong nito. Ang alpabetong Pilipino ay may 29 na letra ngunit 16 katinig (p, t, k, b, d, g, m, n, h, l, r, s, w, y, (‘), ng) at 5 patinig (a, e, i, o, u).
Ponemang Segmental
Mga pahayag ito na may papataas na antas o
papasidhi ang kahulugan ng salitang
sunod-sunod.
Klaymaks
pag atake ng mga hapones sa PH
Dec 8, 1941
Yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, kinakatawan ito ng mga notasyon ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. (Badayos 2008). Kabilang dito ang mga tono, punto, intonasyon, hinto at diin.
Ponemang Suprasegmental
Tinataya sa estilong ito ang pagkawala ng anumang uri ng mga inihibisyon sa
pakikipagsalitaan. Nagaganap naman ito sa pagitan ng malapit na kaibigan, kapamilya o karelasyon kung saan inihahayag mo ang iyong sarili sa iba.
Intimate Style
Ginagamit ito bilang paghahanay ng mga
kaisipang may magkahawig na estruktura.
Paralelismo
Ako ay nagliligpit ng aking mga basura.
Payak na simuno at Payak na pang-uri.
Ayon kay ___________, ang komunikasyon ay
isang proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan batay sa impluwensya ng mga partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap.
Gime, 2015
Intensyonal na ipinapadala ang mensahe subalit hindi ito binigyang pansin o nabibigyang kahulugan ng tagatanggap.
Tinangkang Komunikasyon
Brainstorming
Small Group
Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng hindi bababa sa dalawang tao sa isang sitwasyon.
Komunikasyong Interpersonal
ay ang kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama upang makalikha ng isa o dalawang tunog, gaya ng /ts/ (ch), /sy/ (sh) at /ng/. Karaniwan itong ginagamit upang palitan ang baybay ng salitang hiram.
Digrapo