CW (4th Quarter) Flashcards
Isa itong katangian ng tula na hindi anking ng mga akda sa tuluyan. Sinasabihang may ________ ang tula kapag ang hulang pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakaisang tunog
Tugma
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
SUKAT -
Ang elemento ng tula na tumutukoy sa mga grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.
SAKNONG -
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
KARIKTAN -
Tumutukoy sa paggamit ng mga tayutay at matalinhagang pananalita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa
TALINHAGA -
Paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula.
TAYUTAY -
Ito ay tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ang porma ng tula.
ANYO -
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod
ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa. Ito ang diwa ng tula.
TONO/INDAYOG -
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
PERSONA-
Ano ang mga elemento ng Tula. (9)
Tugma
Sukat
Saknong
Kariktan
Talinhaga
Tayutay
Anyo
Tono/Indayog
Persona
ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin, lalabindalawahin, lalabin-animin at lalabing-waluhing pantig. Ang mga tula ay may dalang pakinabang, hindi lamang kaalaman, tungkol sa isang bahagi ng buhay ng isang makata o ng lipunan at panahong kaniyang kinapalooban.
Ang PANULAAN o TULA
Ayon kay ______________, “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan - ang tatlong bagay na magkakatipon-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
Julian Cruz Balmaceda
Sinabi naman ni ________________: “Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanang kariktang nakikita sa silong ng alinmang langit.”
Iñigo Ed Regalado
Para naman kay ______________, “Ang tula ay panggagagad, tulad ng panggagagad ng isang pintor, ng isang manlililok, at ng isang artista sa tanghalan.
“Idinagdag din niyang “ang saklaw ng tula ay higit na malawak kaysa sa alinman sa mga ibang gagad na mga tinig, kahit pagsasamahin pa ang mga iyon.”
Fernando Monleon
Ipinahayag naman ni _____________ na “ang tula ay kamalayang
nagpapasigasig.”
Alejandro G. Abadilla
May tatlong pamamaraan sa pagsulat ng tula, ito ay mga _____,_______,________
+tulang may sukat at tugma,
+malayang taludturan (Free verse)
+tulang tuluyan (prose poem).
_______ ay tradisyunal na anyo ng tula. Ang bawat taludturan ng mga tulang may sukat at tugma ay may magkakaparehong bilang ng pantig sa bawat linya at ang huling pantig ng bawat linya ay magkakatunog. Halimbawa nito ay pasyon, ambahan, bugtong, awit at kurido
tulang may sukat at tugma
______________ ay yaong mga tulang walang sukat at tugma. Ito ay tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at tugma o sintunog. Ngunit dapat manatili ang kariktan nito at dapat gumamit ng mga matatalinhagang pahayag.
malayang taludturan (free verse)
___________ ay tulang tila isang tuluyan prosa. Sa unang
tingin, it nga ay prosa, ngunit kapag babasahin at aarukin ang lalim ng damdaming ibinubuhos dito, makikita nating taglay nito ang kaluluwa ng isang tula. Ito ay mayroon pinagsamang katangian ng prosa at tula. Prosa ang kaniyang anyo at tula ang kaniyang esensiya.
tulang tuluyan (prose poem)
__________ ay isang anyo ng tula na may 19 na taludturang binubuo ng limang saknong na may tig-tatlong taludtura at ang huling saknong ay may apat na taludturan. Palitan din na nauulit ang una at ikatlong linya ng unang saknong hanggang sa huling saknong.
Ang Villanelle
___________ ang tawag sa anyo ng tulang inuulit ang iisang salita sa dulo ng bawat saknong. Binubuo ito ng anim na saknong na may tig-anim na taludturan at ang huling saknong ay mayroon lamang tatlong taludtod.
Sestina