ESP 2nd monthly exam about ANG MAKATAONG KILOS, KUSANG LOOB NA GAWA Flashcards
“Anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kanyang ginagawa ngayon at gagawin sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay.”
AGAPAY
“Ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti masama nito at ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito.”
ARISTOTLE:
2 URI NG KILOS ANG TAO
- Kilos ng Tao (Acts of Human)
- Makataong kilos (Humane Acts)
Ang kilos ng tao ay tumutukoy sa mga kilos na natural na nagaganap sa tao. Ito ay nakaayon sa kanyang kalikasan at hindi ginagamitan ng isip at kilos- loob.
Kilos ng Tao (Acts of Man)
Ito ang mga kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ito ang kilos na ginagamitan ng isip at kilos- loob kung kaya’t ang indibidwal ay may pananagutan at kaalaman.
Makataong kilos (Humane Acts)
MAKATAONG KILOS O KILOS NG TAO?
*Paghinga
*Pagtatapon ng basura sa tamang tapunan
* Pagpili ng maayos at mahusay na mamumuno
* Pagtibok ng puso
* Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad
* Pagnanakaw o pagkuha ng hindi mo gamit.
* Pag-iyak dahil sa masakit na sugat
* Pag-eehersisyo para sa kalusugan
3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN (ACCOUNTABILITY)
- Kusang-loob
- Di kusang-loob
- Walang kusang- loob
Ang ganitong uri ng kilos ay may kaalaman at pagsang-ayon. Ang indibidwal na gumagawa o gumawa ng kilos ay may lubos pagkakaunawa na sa kalikasan at kahihinatnan nito.
KUSANG-LOOB
Ang ganitong uri ng kilos ay may kaalaman ngunit kulang ang pagsang- ayon. Ang indibidwal ay hindi isinasagawa ang kilos kahit na may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
DI KUSANG-LOOB
Ang ganitong uri ng kilos ay walang kaalaman at walang pagsang-ayon. Hindi pinanagutan ng indibidwal ang kanyang kilos dahil hindi niya alam kaya’t wala ring pagkukusa.
WALANG KUSANG-LOOB
“Hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari.”
SANTO TOMAS