AP 2nd monthly exam on the alintang panteritoryo Flashcards
- Ito ay ang pagtatalo ng mga bansa sa kung sino ang tunay at legal na may-ari at nararapat magkaroon ng kontrol sa isang bahagi ng lupa o karagatan.
ALITAN SA TERITORYO
Ito ang alitan ng magkakaratig- bansa ukol sa kani-kaniyang teritoryo at pinaniniwalaang hangganan nito
ALITAN SA TERITORYO
- Ito ang opisyal na tawag sa katubigan na nasa silangang bahagi South China Sea ng na sakop din ng Ekslusibong Sonang Ekonomiko ng Pilipinas.
WEST PHILIPPINE SEA
- Ito ay matatagpuan sa bandang gitna ng mga baybayin ng Pilipinas, Malaysia, at Vietnam.
SPRATLY ISLAND
Ito ay isang isla na binubuo ng maraming maliliit na isla ng mga bato at bahura (reefs).
SPRATLY ISLAND
Namataan ng Philippine Navy ang mga bangkang mga mangingisdang Chinese na nakadaong sa pagital ng mga atoll sa Scarborough Shoal.
ABRIL 08, 2012
Naghain ng reklamo ang Pilipinas labas sa China sa Hague Tribunal batay sa mga patakaran ng UNCLOS. Sinimulan ng Nations Tribunal pagdinig sa kaso.
HULYO 06, 2015
Lumabas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) Tribunal na pabor sa Pilipinas. Ang
Pilipinas ang nagmamay-ari ng West Philippine Sea.
HULYO 16 , 2016
MGA PAGLABAG NG CHINA
*Pakikialam o panghihimasok ng China sa isinasagawang paggagalugad ng Pilipinas ng
petrolyo sa Reed Bank.
*Pagbabawal sa mga mangingisdang Pilipino na
mangingisda sa Scarborough Shoal simula noong 2012.
- Pagpapahintulot sa mga mangingisdang Chinese na
mangisda sa Mischief at Second Thomas Reef na sakop ng EEZ ng Pilipinas.
*Paggawa ng isang artipisyal na isla sa Mischief Reef nang walang pahintulot ng Pilipinas.
*Pagkasira ng coral reefs dala ng mga kontruksyong ginagawa na labag sa pangangalaga ng kapaligiran o kalikasan ayon sa probisyon ng UNCLOS.
*Ilegal na pangunguha ng mga mangingisdang Chinese na ipinagbabawal bilang pangangalaga sa mga nanganganib na yamang-likas.
- Paglabag sa obligasyon o responsibilidad habang
isinasagawa ang proseso ng pagsasaayos ng namamagitang alitan.
MAGBIGAY NG MGA DAHIL AN NG TERRITORIAL AT BORDER CONFLICTS.
*PANG-EKONOMIYANG DAHILAN
*PAGPAPAKITA NG LAKAS
*KAWALAN NG TIYAK NA HANGGANAN BUNGA NG HEOGRAPIKAL NA KATANGIAN
*PAGKAKAIBA NG KULTURA, RELIHIYON, ETNIKONG GRUPO, AT SISTEMANG POLITIKAL
Pinag-aagawan ang isla dahil sagana ito sa yamang-mineral at fossiel fuel, malawak na pangisdaan, deposito ng natural na gas, at kontrol sa mahahalagang rutang pangkalakalan.
PANG-EKONOMIYANG DAHILAN
Nais maipakita ng China hindi lamang sa Asya, kundi sa daigdig na itong malakas na bansa.
PAGPAPAKITA NG LAKAS
Ito ang pagkakaroon ng sadyang malabo at hindi malinaw na hangganan o linyang ginagamit ng China upang tukuyin ang historical maritime rights nito sa WPS.
KAWALAN NG TIYAK NA HANGGANAN BUNGA NG HEOGRAPIKAL NA KATANGIAN
Bawat pangkat ay may kani-kaniyang kultura at wika. Angmga bagay na ito ay nagiging daan ng malimit na awayan.
PAGKAKAIBA NG KULTURA, RELIHIYON, ETNIKONG GRUPO, AT SISTEMANG POLITIKAL
MGA EPEKTO NG TERRITORIAL AT
BORDER CONFLICTS
- Ang namumuong tensyon sa mga bansang nag-aawayan ay nagdudulot sa mga mamamayan ng kawalan ng kasiguraduhan sa kaligtasan.
- Nakakaranas ng diskriminasyon ang mga manggagawang nasa teritoryo ng katunggaling bansa.
- Nakalilikha ng alyansa ng mga bansang
pare-pareho ang ideolohiyang pinaniniwalaan. - Lalong tumataas ang tensyon sa salungatan na nauuwi sa digmaan kapag hinaluan ng pampolitikang ideolohiya.
- Nagkakaroon ng iringan sa halip na pormal na pag-usapan ang nararapat na solusyon.
- Hinihigpitan ng mga bansa ang kanilang
pakikipagkalakan sa nakairingang bansa. - Kapag negosyo na sa nasabing bansa, inaalis ng
namumuhunan ang kanilang negosyo. - Maaaring maganap ang digmaan ano mang oras sa pagitan ng mga bansang nag-aagawan sa teritoryo.
- Nawawala ang kapayapaan sa bansa.
- Maraming buhay ng tao ang nawawala at ari-arian ang nasisira.