AP Flashcards
Ito ang mabilisang pagkalat o pagkahawa ng mga tao sa isang sakit sa isang limitadong lugar, tulad ng Pilipinas.
EPIDEMYA
Ito ay tumutukoy sa paglaganap ng nakahahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng populasyon ng isang malawak na rehiyon o ng buong mundo.
PANDEMYA
Namamahala upang maiwasan ang maaaring matinding epekto ng sakuna o kalamidad.
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
NDRRMC
National Disaster Risk Reduction and Management Council
Namamahala sa pagbibigay ng tulong sa mga moyembro o namamahala sa lokal na pamahalaan ng ating bansa.
Department of Interior and Local Government (DILG)
DILG
Department of Interior and Local Government
Nakikiisa ang ahensiya sa pamamagitan ng paggamit ng mga pampublikong paaralan bilang mga evacuation centers tuwing may kalamidad.
Department of Education (DEPED)
DEPED
Department of Education
Nangangalaga sa kapakanan ng mga batang nawalan ng magulang o mga taong naghahanap ng mga nawawalang mahal sa buhay.
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
DSWD
Department of Social Welfare and Development
Tumutulong sa pagsagip ng mga apektado ng kalamidad. At sila rin ay isa sa mga nagsasagawa ng relief operations sa mga lugar na apektado ng sakuna o kalamidad.
Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
AFP
Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines
Namamahala sa paglikas at pagtulong sa mga taong apektado ng kalamidad.
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
NDRRMC
National Disaster Risk Reduction and Management Council
Nagsasaayos ng mga pasilidad sa transportasyon na nawasak o nasira ng kalamidad.
Department of Transportation (DOTr)
DOTr
Department of Transportation
Isinasaayos ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon sa mga nasalantang lugar.
National Telecommunications Commission (NTC)
NTC
National Telecommunications Commission
Nagsasaayos ng mga daanan upang mapabilis ang rehabilitasyon at serbisyo sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
Department of Public Works and Highways (DPWH)
DPWH
Department of Public Works and Highways
Sinisigurong ligtas ang mga tao laban sa matitinding sakit dulot ng kalamidad at epidemiya. Tumutulong din upang makawala sa trauma ang mga biktima ng matinding kalamidad.
Department of Health (DOH)
DOH
Department of Health
Ang mga ahensiyang nagbibigay ng tulong pinansyal o pautang sa mga manggagawa sa pribadong sektor o manggagawa na nasa pamahalana.
Social Security System (SSS) &
Government Service Insurance System (GSIS)
SSS - GSIS
Social Security System &
Government Service Insurance System.
Nag-aanunsyo ng mga impormasyon ukol sa lagay ng panahon at nagbibigay babala ukol sa lagay ng panahon.
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
PAGASA
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
Nagbibigay impormasyon tungkol sa maaaring pagputok ng bulkan at pagyanig na dala ng lindol.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
PHIVOLCS
Philippine Institute of Volcanology and Seismology
Naghahatid ng impormasyon ukol sa wastong pamamahala at pag-iingat ng ating kapaligiran at mga likas yaman ng bansa.
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
DENR
Department of Environment and Natural Resources
Naghahatid ng kaalaman sa mga kabataan ukol sa mga kalamidad sa bansa. Mayroong Disaster Risk Reduct Resource Manual o Safer School Resource Manual.
Department of Education (DEPED)
DEPED
Department of Education
KONTEMPORARYO IN LATIN?
Con (Latin) – “with”
Temporarius (Latin) – “of time”
Con meaning?
“with”
Temporarius meaning?
“of time”
Ang tinutukoy na panahon ay ang “kasalukuyan”
KONTEMPORARYO
“Moderno” at “napapanahon”
KONTEMPORARYO
KASALUKUYANG PANAHON
KONTEMPORARYO
- Ang mga pangyayari, tema, paksa, usapin, o suliraning nakaaapekto sa tao at lipunan.
ISYU
- May dahilan o pinagmulan at may resulta rin sa tao at lipunan.
ISYU
Ito ay ang mga napapanahong pangyayari na nakaaapekto at maaaring makapagpabago sa kalagayan ng tao maging ng lipunang kanyang ginagalawan.
KONTEMPORARYONG ISYU
5 SAKLAW NG KONTEMPORARYONG ISYU
- Isyung Pampolitika
- Isyung Pangkapaligiran
- Isyung Pang-ekonomiya
- Isyu sa Karapatang Pantao
- Usaping Pangkapayapaan
Ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa sistema ng pamamahala ay tinatawag na isyung pampolitika. (Hal. Korapsyon)
- Isyung Pampolitika
Ang tao ay nakadepende at nabubuhay sa ligtas na kapaligiran. Dahit dito, tuwirang inabatikos o tinutuligsa ang mga gawaing nagpapalala sa kondisyon ng kalikasan. (Hal. Deforestation)
- Isyung Pangkapaligiran
Ang isyung may kaugnayan sa antas o estado at paraan ng pamumuhay ng tao ay tinatawag na isyung pang-ekonomiya. (Hal. Kahirapan)
- Isyung Pang-ekonomiya
Ang bawat tao ay nagtataglay ng mga natatanging karapatan. hindi pagkilala o hindi pagrespeto sa mga karapatang ito ay maituturing na paglabag. (Hal. Gender Inequality)
- Isyu sa Karapatang Pantao
Ito ay ang pagkakaroon ng mga balakid o sagabal sa pagkakaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan. (Hal. Ukraine at Russia)
- Usaping Pangkapayapaan
Iba pang kontemporaryong isyu (6)
- Isyung Pang-Edukasyon
- Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan
- Isyung Pang-Agham at Panteknolohiya
- Isyung Pangkalusugan
- Isyung Panrelihiyon at Pangkultura
- Isyung Pangkapayapaan at Pangkabuhayan
PAGHARAP SA KONTEMPORARYONG ISYU (4)
- Alamin kung totoo nga bang nagaganap o nangyayari ang isang isyu.
- Maging mulat sa iba’t ibang isyu, lokal at internasyonal man. (Informed citizen)
- Magkaroon ng mapanuring pag-iisip.
- Ikonsidera ang pangmadalian at pangmatagalang epekto nito sa ating kapaligiran, pamayanan, bansa, at mundo.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU (5)
- Ito ay susi sa pagkakaroon ng matalino at kapaki-pakinabang na mga desisyon sa buhay.
- Nagsisilbing pundasyon upang makabuo ng mga makabuluhang aksyon para sa pagbabago.
- Hinuhubog ang bawat isa upang maging mapanuring mamamayan.
- Lumalawak ang kaalaman ng bawat tao sa tunay na kalagayan ng lipunang global.
- Matutugunan ang mga pambansa at pandaigdigang suliranin at hamon.
- Ito ay pangyayari o kaganapan na nagdudulot ng pinsala sa tao at komunidad.
KALAMIDAD
- Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan at hindi kontrolado ng tao.
KALAMIDAD
- Nagdudulot ng pinsala sa tao, ari-arian, kabuhayan at ekonomiya.
KALAMIDAD
- Ito ay tropikal na bansa at isang arkipelago na binubuo ng 7,641 mga pulo. Dahil sa katangiang heograpikal nito, nakararanas ang bansa ng maraming kalamidad.
PILIPINAS
Ilan ang mga pulo (Islands) ng Pilipinas
7,641 mga pulo
Ang pilipinas ay isang ________ na bansa
TROPIKAL
ahensiya ng pamahalaan na naatasang magsagawa ng koordinasyon at masusing magsubaybay sa wastong implementasyon ng mga programang pangkaligtasan kontra sa kalamidad.
NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT CENTER
ENUMERATION:
Mga Uri ng Kalamidad (NDRRMC) (9)
- Malakas na bagyo
- Pagbaha at flash floods
- Lindol o pagyanig ng kalupaan
- Pagguho o landslide
- Daluyong o storm surge
- Tsunami
- El Niño at La Niña
- Pagputok ng bulkan
- Buhawi o tornado
- Ito ay lagay ng panahon na nagdadala ng mabilis na hangin at malakas na pagbuhos ng ulan.
Malakas na bagyo
madaling mabuo ang low pressure area sa mga katubigang may mainit na temperatura.
PAGASA
Ilang bagyo kada taon?
20-30
Ito ay tumutukoy sa biglaang pagbaha o pagtaas ng lebel ng tubig dahil sa bagyo.
Pagbaha o Flash floods
Ang malakas na pag-ulan dala ng monsoon winds ay maaaring makapagdulot rin nito.
Pagbaha o Flash floods
mga Sanhi (Cause) ng Pagbaha o Flash floods (3)
pagputol ng mga puno
basura sa mga estero
hindi maayos na drainage system.
Ito ay ang biglaan at mabilis na pagyaning ng lupa sanhi ng paggalaw ng mga fault line.
Lindol
Intensity _ hanggang Intensity _ ang karaniwang lakas ng lindol sa bansa.
INTENSITY 1 HANGGANG INTENSITY 7
7.4 magnitude na lindol at 34,000 na tao.
“The Big One”
Ito ang pagdausdos ng mga tipak ng bato at putik mula sa matataas na lugar dala ng matinding pag-ulan.
Pagguho o Landslide
Ang mga nakakalbong kagubatan ang karaniwang pinagmumulan ng mga _________
LANDSLIDES
mga Sanhi ng Pagguho o Landslide (3)
pagmimina
quarrying
pagkakaingin
Ito ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng lebel ng tubig dulot ng malakas na bagyo at paghatak ng gravity mula sa buwan.
Halimbawa: Ang _____ _____ dulot ng bagyong Yolanda.
Daluyong o Storm Surge
Malakas na bagyo + malakas na hangin = mataas na posibilidad ng _____ _____
Storm Surge
Ito ay ang sunod-sunod na malalaking alon na nabubuo na nagaganap kapag nagkaroon ng pag-angat o paggalaw sa ilalim ng dagat
Tsunami
Ito ay maaring dulot ng lindol o pagputok ng bulkan.
Tsunami
Ang lindol na umaabot ng magnitude 7 ay maaaring lumikha ng mapanirang _______
Tsunami
Ito ay ang paglabas ng mga lusaw o mainit na bato, abo, at gas, at naiipon sa palibot ng bunganga o crater nito.
Pagputok ng Bulkan
May humigit ___ ang naitalang bulkan sa bansa at 24 ang aktibo mula sa mga ito. (PHIVOLCS)
200
may pinakamataas na panganib mula sa volcaninc eruption.
Camiguin
Ilang ang aktibong bulkan?
24
Ang mga ito ay dulot ng pagbabago sa mga salik ng panahon ng mga bansang nasa Pasipiko.
El Niño at La Niña
matinding tag-init
El Niño
matinding tag-ulan
La Niña
Ito ay tinatawag ding alimpuyo at ipo-ipo. Ito ang marahas, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad sa kalatagan ng lupa.
Buhawi o Tornado
Mas kilala at nararanasan ang malalakas at mapaminsalang tornado sa United States, ngunit nakararanas din ang bansa ng mga ______
Buhawi
Ang ____ ____ ay tumutukoy sa mainit na panahon na tumatagal ng ilang araw o linggo sa isang lugar. Ito ay nagreresulta ng mataas na temperatura sa hangin na nakaaapekto sa kalusugan ng tao.
Heat Wave
Epekto ng Heat Wave (4)
Heat stroke
dehydration
heat cramps
respiratory diseases
MGA EPEKTO NG KALAMIDAD (7)
- Pagkamatay ng maraming tao at hayop.
- Pagkasira ng mga ari-arian at imprastraktura.
- Pagkakaroon ng malaking gastusin para sa relief operation at rehabilitasyon.
- Pagkaantala ng mga negosyo at mahahalagang gawain.
- Pagkakaroon ng malaking kakulangan sa pagkain, tubig, pabahay, at iba pang pangunahing pangangailangan.
- Paglaganap ng sakit at malnutrisyon.
- Paglaganap ng problemang pang-ekonomiya tulad ng kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at mababang antas ng produksyon.
EPEKTO NG PANDEMYA (5)
- Pagkakasakit at pagkamatay ng maraming tao.
- Pagdagsa ng mga pasyente sa mga ospital.
- Kakulangan ng mga ospital, testing center, at iba pang pasilidad-pangkalusugan.
- Pagbagsak ng lokal at pandaigdigang ekonomiya.
- Pagsasara ng national borders, paliparan, at mga daungan.
HAKBANG MULA SA WHO (WORLD HEALTH ORGANIZATION) (4)
- Ugaliing maghugas lagi ng kamay para makaiwas sa mikrobyo.
- Iwasang makihalubilo sa mga taong nakapitan ng nakahahawang sakit.
- Sumunod sa mga patakarang pangkalusugan sa tahanan at sa pampublikong lugar.
- Laging panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran.