AP ON PANGUNGUWALTA AT KORAPSYON Flashcards
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng pampublikong tanggapan para sa pribadong kapakanan
KORAPSYON
Ito ay ang intensiyonal na pagtakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan Ο pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng prinsipyo.
KORAPSYON
Ito ay ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya, o kaya naman ay kahina-hinala.
PANGUNGUWALTA
Ito ay tumutukoy sa kahina- hinalang pagkakamit ng yaman at ari-arian ng isang taong nasa pamahalaan.
PANGUNGUWALTA
MGA URI NG CORRUPTION SA PILIPINAS
- PAGLUSTAY NG PERA AT PAGNANAKAW
- PAGBIBIGAY NG LAGAY (BRIBERY)
- PANDARAYA O PAMEMEKE (FRAUD)
- KUNWA- KUNWARING PROYEKTO
- PAG-IWAS SA SUBASTA
- PAGTAKAS O HINDI PAGBABAYAD NG TAMANG BUWIS
- PAGPAPASA NG KONTRATA SA IBA
- NEPOTISMO
- PANININGKIL (EXTORTION)
- TONG (PROTECTION MONEY)
Ito ay kilala rin bilang
embezzlement at theft, na
ginagawa sa
pamamagitan ng
paglulustay o maling
paggamit (misappropriation) sa
pondo ng pamahalaan.
PAGLUSTAY NG PERA AT PAGNANAKAW
Nangyayari sa mga
pampublikong transaksyon
dala ng masalimuot na
sistema ng pamahalaan.
PAGBIBIGAY NG LAGAY (BRIBERY)
Nag-aalok o nagbibigay ng
pera o mahalagang bagay
ang isang tao kapalit ng
agarang serbisyo,
PAGBIBIGAY NG LAGAY (BRIBERY)
Ito ang panlilinlang o pagmamanupula upang makalamang o makakuha ng mga benepisyo.
PANDARAYA O PAMEMEKE (FRAUD)
O ghost projects, ang paggawa ng ___-_________ mga proyekto ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan.
KUNWA- KUNWARING PROYEKTO
Ito ang pagpapasa ng mga pekeng proyekto para makakuha ng pndo sa pamahalaan.
KUNWA- KUNWARING PROYEKTO
O evasion of public bidding.
PAG-IWAS SA SUBASTA
Walang na pampublikong subasta at pinalalabas na lamang ng ahensya na kokonti lamang ang kanilang kailangang bilhing materyales O produkto kahit hindi totoo
PAG-IWAS SA SUBASTA
Hindi paglalahad ng mga empleyado ng tunay na kayamanan sa SALN.
PAGTAKAS O HINDI PAGBABAYAD NG TAMANG BUWIS
At hindi naidedeklara ang tamang kinikita sa loob ng isang taon UPANG makaiwas sa buwis.
PAGTAKAS O HINDI PAGBABAYAD NG TAMANG BUWIS
ANO ANG SALN
Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth
Ito ay ginagawa ng mga kontratista na nananalo sa subasta, ipinapasa ang kontrata na sila ay may natatanggap na kaukulang porsiyento.
PAGPAPASA NG KONTRATA SA IBA
Ang pagtatalaga ng isang kapamilya o kamag-anak, kakilala, kaibigan, o isang napagkakautangang loob kahit hindi kwalipikado sa posisyon ay isa ring anyo ng korapsyon.
NEPOTISMO
Nawawala ang pantay na oportunidad na matanggap sa trabaho.
NEPOTISMO
Kilala rin bilang blackmail O paghingi ng pera, serbisyo, O anumang mahalagang bagay SA pamamagitan NG pananakot.
PANININGKIL (EXTORTION)
Ito ay isang anyo ng bribery upang pabayaan sila ng pamahalaan na ipagpatuloy ang mali o labag sa batas na gawain.
TONG (PROTECTION MONEY)
Pagbibigay ng pera ng mga taong sangkot sa ilegal na gawain sa mga pinuno ng pamahalaan.
TONG (PROTECTION MONEY)
MGA DAHILAN NG GRAFT AT CORRUPTION SA PILIPINAS
- KULTURA NG MGA PILIPINO
- HINDI ΕΡΕΚΤΙBONG PAMAMAHALA AT PAGPAPATUPAD NG BATAS
- KAWALAN NG KATATAGANG PANG-EKONOMIYA AT KAHIRAPAN
- HINDI PAGTUPAD SA SINUMPAANG TUNGKULIN AT KAWALAN NG MORALIDAD
Likas sa mga Pilipino ang pagbibigay at pagtanggap ng regalo bilang pagtanaw ng utang na loob
KULTURA NG MGA PILIPINO
Ang ganitong maaaring kultura dahilan ay ng korapsyon lalo na kung hindi bukal sa kalooban ang pagbibigay.
KULTURA NG MGA PILIPINO
Ang kawalan ng tiwala sa mga nagpapatupad ng batas ay maaaring maging salik sa paglago o patuloy na pag-iral ng kultura ng korapsyon.
HINDI ΕΡΕΚΤΙBONG PAMAMAHALA AT PAGPAPATUPAD NG BATAS
Nakikipag-alyansa ang ilang negosyante sa ibang mga politiko upang makakuha ng pabor pagdating sa mga proyekto na maaaring makuha sa pamahalaan.
KAWALAN NG KATATAGANG PANG-EKONOMIYA AT KAHIRAPAN
Maaaring mangyari ang pang-aabuso ng kapangyarihan lalo na kung hindi tapat sa sinumpaang tungkulin ang isang opisyal.
HINDI PAGTUPAD SA SINUMPAANG TUNGKULIN AT KAWALAN NG MORALIDAD
ANO REPUBLIC ACT ANG ANTI-GRAFT AND CORRUPTION PRACTICES ACT
RA 3019
MGA EPEKTO NG GRAFT AT CORRUPTION SA PILIPINAS
- Nawawalan ng tiwala at kooperasyon ang mamamayan sa pamahalaan.
- Napipilitang makiayon ang iba sa maling sistema.
- Nawawala ang respeto dahil sa kawalan ng integridad ng mga opisyal.
- Apektado ang presyo ng bilihin at karapatang pag-aari.
- Nababawasan ang produktibidad ng mga manggagawa at kompanya.
- Lumalakas ang underground economy, humihina ang kita ng gobyerno.
- Patuloy ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap..