PAGSULAT EXAM Flashcards
ang mga sinusulat ay nasa isipan na ng manunulat.
Yugtong Pangkognitibo
2.nagkakaroon ng hulma, tiyak na hugis ang mga idea at konsepto na naisipan ng mga tao.
Proseso ng Pagsulat
-isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe.
Pagsulat
ito ay isa sa makrong kasanayan na dapat mahubog ng mga mag-aaral
Ayon kay CECILIA AUSTERE
ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang amaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
Ayon nga kay Edwin Mabilin et al.(2012)
*ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay nahahati sa dalawang bahagi.
Ayon naman kay Mabilin (2012),
ito ay Sistema ng komunikasyong interpersonal, na gumagamit ng mga simbolo inuukit at isinusulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, o di kaya’y sa isang malapad at at makapal na bato.
Ayon kay Badayos (1999)
malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, nakikilala ng tao ang kaniyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan.
Ayon kay Royo (2001)
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSUSULAT
1.Wika-
2.Paksa
3.Layunin
4.Pamamaraan ng pagsusulat
*Impormatibo
*Ekspresibo
*Naratibo
*Deskriptibo
*Argumentatibo
makapaghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa.
Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
-pag-aralan ang isang proyekto o bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.
Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
-sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutunan sa akademya o paaralan.
Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at desertasyon.
Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
Ayon kay Carmelita Alejo et al.(2005), ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na particular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan. Layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginagawang pananaiksik.
Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
Ang mga datos na isusulat at batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananliksik.
Obhetibo-
Karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, ngangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito.
Pormal
Ang paglalahad ng kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado.
Maliwanag o Organisado
Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat.
May Paninindigan
Ang mga ginagamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng mga datos o impormasyon ay dapat na bigyan nararapat na pagkilala.
May Pananagutan-
walang katapusan ang paghahanap ng mahahalagang mga datos na makatutulong sa kaniyang sulatin
Matiyaga
*may tamang pag-iiskedyul at pagsasaayos ng mga appointment sa kakapanayim at/o pupuntahang mga lugar. Mahalaga ang tamang pagbabalangkas ng oras sa pananaliksik.
Sistematiko
mahigpit na isinasaalang-alang anng balidasyon ng facts o datos ng pananaliksik, kredibilidad ng mga pinagkuhaan ng mga detalye.
Maingat
- hindi lahat ng nakalap na datos ay isinasama sa pananaliksikmainam na maging mapanuri ang mananaliksik kung ang nakuhang datos ay napapanahon, may relevance o kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik.
Kritikal
- walang itinatagong pagkilala sa mga orihinal na ideya mula sa pinaghanguang mga datos.
Matapat
ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang akda o sulatin. Mahalagang makuha ng sinuman o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang mahuhubog.
Lagom
ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ngtitle pageo pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.
Abstrak
bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Ayon kayPhilip Koopman (1997)
ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula,parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Maaari rin itong mabuo sapamamagitan ng isa o higit o maging ilang pangungusap lamang. Mahalaga na gamitin ang sariling salita sa pagsusulat ng sinopsis.
Sinopsis
*ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig).
Bionote
isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon
Memoradum
ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
Puti
ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
Rosas
ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department
Dilaw o Lantian
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Adyenda
ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para isa komunidad o samahan.
Panukalang Proyekto
-isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Besim Nebiu
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (“A Guide to Proposal Planning and
Writing,”)
Tatlong mahahalagang bahagi
- Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto,
- Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
- Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito.
➢ Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o kompanyang pag-uukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
➢ Gawing tiyak, napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto.
➢ Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
➢ Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong
makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.
1.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
1.Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang proyekto. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) , ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto
- Specific –
- Immediate –
- Measurable –
- Practical -
- Logical -
- Evaluable –
– bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
solusyon sa suliranin
paraan kung paano makakamit ang proyekto
nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
Plan of action
pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto
Badyet
Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin hal. Mga bata, mamamayan,kababaihan ,magsasaka,mahihirap na pamilya,mga negosyante at iba pa.
3.PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO