PAGBASA EXAM 2 Flashcards
Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nitong obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kaniyang nakalap. Ang intepretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik.
Ayon ka Spalding 2005
Masusing pagsisiyasat at pagsururi ng mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunay, o pasubalian.
Ayon kay Constantino at Zafra (2010)
Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pirapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri
Obhetibo
Ayon kay Galero-Tejero (2011) may tatlong mahahalagang layunin:
makahanap ng teorya
mababatid ang katotohanan ng teorya
makakuha ng kasagutan
Sumusunod sa lohikal na mga hakbang/proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
Sistematiko
Agarang nagagamit para sa layunin nito.
Nakatutulong na makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Basic Research
Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
Ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na nararanasan at/o na-obserbahan ng mananaliksik.
Emprikal
Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghabi at paghatol ng mananaliksik.
Kritikal
Ginagamit upang makahanap ng solusyon/sagot sa mga problema/tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
Action Research
Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan
ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon na ang mga resulta ay maaari ring gamitin ng iba pang parehong populasyon
Applied Research
pagkalahatan/sentral na ideyang tinalakay sa isang sulating pananaliksik
Paksa
MGA URI NG DATOS:
Qualitative Data, Quantitative Data
Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigay ng karapatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
Dokumento
MGA KATANGIANG TAGLAY NG ISANG MANANALIKSIK (AYON KAY COSTANTINO AT ZAFRA, 2010)
- Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan
- Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
- Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa krdibilidad ng pinagkukunan; interpretasyon, komento, at rekomendasyon.
- Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at sa mga kaugnay nito.
- Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
- Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag- aaral ukol sa paksang pinag-aaralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
- Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mag ito at pagtiyak ng maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong pinagdadanan.
pangunahin o sentral na idea; matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon/pannaaw; nagsisimula sa pangangalap ng impormasyon
PAHAYAG NG TESIS
MGA TIP SA PAGPILI NG PAKSA
PAKSA
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
Paksang marami ka nang nalalaman
Paksang gusto mo pang higit na makilala/malalaman
Paksang napapanahon
Mahalagang maging bago/naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo
May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
May mga website na maituturing na higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa iba tulad ng mga may domain name system na nagtatapos sa
.edu (educational institution), .gov (government), o .org (nonprofit organization).
MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA PARA SA PANANALIKSIK
- Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng sulatin
- Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
- Pagsusuri ng mga itinalang idea
- Pagbuo ng tentatibong paksa
- Paglilimita sa paksa
Maging mas maingat at mapanuri sa mga web site na nagtatapos sa domain extension na
.com (commercial)
Hindi pinal; maaaring mabago ang balangkas habang dumadami ang kaalaman galing sa mga sanggunian
PAGBUO NG PANSAMANTALANG BALANGKAS
Mailalahad ang magagawa upang mapatunayan ang paksa at pahayag ng tesis
Magsisilbing proposal para sa gagawing pananaliksik
KONSEPTONG PAPEL
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal na awit
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng telebisyon at pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito
Tesis
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula
Paksa
kasaysayan/dahilan kung bakit napiling talakayin ang paksa
Rationale
nagpapakita ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, atbp.; katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik/aklat na ginawa
BIBLIOGRAPIYA
hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa
Layunin
pamamaraang gagamitin sa pangangalap ng datos at pagsusuri
Metodolohiya
maghahanap ng impormasyon/datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa Internet
Literature Search
magiging resulta o inaasahang kalalabasan ng pananaliksik o pag-aaral
Inaasahang Resulta
hindi pa pinal sapagkat maaari pang magdagdag/magbawas ng sanggunian
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
IBA’T IBANG PARAAN SA PAGSULAT NG BIBLIOGRAPIYA
APA (American Pscyhological Association)
MLA (Modern Language Association)
Chicago Manual of Style
ginagamit kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin
Direktang Sipi
gagamiin ay pinakamahalagang o pangunahing ideya ng tala
Buod ng Tala (synopsis)
pinapanatili ang orihinal na ayos ng idea at punto de vista ng may-akda
Presi
pruned/cut down
Prances “precis”
gagamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi; ginagamitan ng panipi
Sipi ng Sip
paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik
Hawig/Paraphrase
pagsalin ng tala na galing sa wikang banyaga; tratranslate mo
Salin/Sariling Salin
may-akda, petsa ng publikasyon, pamagat ng artikulo, pinanggalingang URL
Website
Dayag, Alma M. Lakbay ng Lahing
Pilipino 3. Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2014.
Chicago
may-akda, pamagat, publikasyon, taon ng publikasyon
Aklat
Clinton, Jerome W. “The Tragedy of Sohrab and Rostam.” December 5, 2014, galing sa http:heritage institute.com/zoroastrianism/shahnameh/
Chicago
Julian, Ailene B. at Nestor S. Lontoc. Lakbay ng Lahing Pilipino 4. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2015
Chicago
Kahayon, Lisa, “Masbate Travel Diary.” Scenestealer (blog). October 14,2015, http://www.lissakahayon.com/
Chicago
Dayag, A. M. (2014)
Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Quezon City. Phoenix Publishing
House.
APA
Julian, A.B. & N.S. Lontoc (2015) Lakbay ng Lahing Pilipino 4. Quezon City:: Phoenix Publishing House
APA
Clinton, J. W. (2014, December 5).
The Tragedy of Sohrab and Rostam galing sa http:heritageinstitute.com/zoroastrianism/shahnameh/
APA
Kahayon, L. (2015, October 14.) Masbate Travel Diary. Scenestealer. galing sa http://www.lissak ahayon.com/
APA
nauuna date after author, initial lang ng first name ng author nilalagay
APA
full first name, last ang date (before links if meron)
Chicago
datos ay ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari; paksa ay naglalahad ng proseso
Kronolohikal
ipinapakita ang lokasyon/lugar
Heyograpikal/batay sa espasyo
ipakita ang pagkakatulad/pagkakaiba ng 2 bagay
Komparatibo
sanhi at bunga ng paksang sinisiyasat
Sanhi/Bunga
paghihimay-himay ng isang buong kaisipan
Pagsusuri
maikling kaligiran ng paksa, layunin, payag ng tesis, kahalagahan ng paksa/pagsasagawa, saklaw at limitasyon
Introduksyon
buod ng mga pangunahing ideya na nasa katawan ng pananaliksik, sipi/anumang bahaging bumubuod sa papel, pagbabalik sa kaisipang tinalakay sa introduksyon
Konklusyon
naunang pananaliksik tungkol sa paksa at mga hindi natalakay na tatalakayin sa papel, gampanin ng papel sa kasalukuyang sitwasyon, kasaysayan ng paksa patungo sa kasalukuyang pangyayari
Katawan