Q2 - FIL 3 🧠 Flashcards
Ito ay isang uri ng pormal na sulating isinasagawa sa isang akademikong institusyon na ginagamitan ng matataas na pamamaraan ng kasanayan sa pagsulat.
Akademikong Sulatin
Taglay nito ang pagkakaroon ng prosesong dapat sundin. Bagamat masalimuot ang proseso nito, may maaasahang paraan upang malagpasan ang hamon kaugnay sa pagsulat.
Akademikong sulatin
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: ____; Medieval Latin: ____) noong gitnang bahaging ika-____ na siglo.
academique
academicus
16
Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
Akademikong sulatin
isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba panggawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
Abstrak
Kadalasang makikita ito sa simula pa lang ng manuskrito, ngunit
itinuturing ito na may sapat nang impormasyon kung kaya’t maaaring
mag-isa o tumayo sa kaniyang sarili.
Abstrak
Inilalahad nito ang masalimuot na datos sa pananliksik at
pangunahing mga metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng
paksang pangungusap o kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap sa
bawat bahagi. Ito’y may layuning magpabatid, mang-aliw, at
manghikayat.
Abstrak
Bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Pamagat, Introduksyon o Panimula, Kaugnay na literature, Metodolohiya, Resulta, at Konklusyon.
Philip Koopman (1997)
Mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko
6 ITEMS
a. Pamagat
b. Introduksyon o Panimula
c. Kaugnay na literatura
d. Metodolohiya
e. Resulta
f. Konklusyon
Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
Pamagat
Nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
Introduksyon o Panimula
Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon para sa mga mambabasa.
Kaugnay na literatura
Isang plano sistema para matapos ang isang gawain.
Metodolohiya
Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
Resulta
Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa paksa.
Konklusyon
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
6 ITEMS
- Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na
gagawan ng abstrak. - Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta, at konklusyon. -
Buuin gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng
bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga bahaging ito sa kabuuan ng mga papel. -
Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grapiko, talahanayan, at iba pa
maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. - Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang
mahahalagang kaisipang dapat isama rito. - Isulat ang pinal na sipi nito.
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
4 ITEMS
- Binubuo ng 200-250 na salita
- Gumagamit ng mga simpleng pangungusap
- Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
- Nauunawaan ng target na mambabasa
Pagbuo ng Akademikong sulatin
5 ITEMS
- Pagpili ng Paksa
- Pinal na Paksa
- Pagbuo ng Unang Draft
- Pag-eedit at Pagrerebisa
- Paglalathala/Pagproseso