Q1 - FIL 3 🧠 Flashcards

1
Q

Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

A

Akademikong Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ito ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin nito ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.

A

Akademikong Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Katangian ng Akademikong Pagsulat: (5)

A
  1. Pormal
  2. Obhetibo
  3. May Paninindigan
  4. May Pananagutan
  5. Malinaw & Organisado
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Mabilin (2012), ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa & babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin.

A

Ang Pagsusulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat (7)

A
  1. Wika
  2. Paksa
  3. Layunin
  4. Pamaraan ng Pagsulat
  5. Kasanayang Pampag-iisip
  6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
  7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karansan, impormasyon, & iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

A

Wika

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ito ang nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

A

Paksa

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ito ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

A

Layunin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.

A

Pamaraan ng Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Pamaraan ng Pagsulat (5):

A
  1. Paraang Impormatibo (Nagbibigay impormasyon)
  2. Paraang Ekspresibo (Mula sa sariling ideya, opinion, obserbasyon)
  3. Pamamaraang Naratibo (Nagkuwento o nagsasalaysay)
  4. Pamamaraang Deskriptibo (Naglalarawan ng bagay, anyo, atbp.)
  5. Pamamaraang Argumentatibo (Nanghihikayat)
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Uri ng Pagsulat (6):

A
  1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
  2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
  3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
  4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing
  5. Reperensyal na Pagsulat (Referential Writing)
  6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Pagnunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

A

Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Example nito ay maikling kwento, dula, nobela, komiks, iskrip ng teleserye, pelikula, musika, atbp.

A

Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.

A

Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan

A

Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ang sulating ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

A

Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

17
Q

Halimbawa nito ay ang mga guro (lesson plan), doctor o nars (paggawa ng medical report), etc.

A

Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

18
Q

Sulatin na may kaugnay sa pamamahayag.

A

Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

19
Q

Mga halimbawa ay balita, editorial, lathalain, artikulo, & iba pa.

A

Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

20
Q

Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, & disertasyon.

A

Reperensyal na Pagsulat (Referential Writing)

21
Q

Isang intelektuwal na pagsulat gawaing nakapagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t i-ibang larangan.

A

Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

22
Q

Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang ____ na madali ng maunawaan ng mga mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging ____ din.

A

Pormal

23
Q

Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan ng mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa haka-haka o opinyon

A

Obhetibo

24
Q

Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisadong mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap na binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin.

A

Maliwanag at Organisado

25
Q

Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan hanggang sa matapos ang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik & pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa.

A

May Paninindigan

26
Q

Ang mga sanggunian na ginagamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika & pagbibigay galang sa awtoridad na ginamit bilang sanggunian.

A

May Pananagutan

27
Q

Taglay ng manunulat ang kakayahang maganalisa upang masuri ang mga datos na mahalaga** o hindi naimpormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

A

Kasanayan sa Pampag-iisip

28
Q

Dapat ding isaalangalang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sawastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

A

Kaalaman sa Wastong Pamamaraan na Pagsulat

29
Q

Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

A

Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin

30
Q

Ano ang sinabi ni Henry Allan Gleason Jr. ukol sa wika?

A

β€œAng wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng isang taong nabibilang sa isang kultura.”

31
Q

Sino ang nagsabi na:
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng isang taong nabibilang sa isang kultura.”

A

Henry Allan Gleason Jr.