Filipino Day2 Flashcards
makaagham na pag-aaral ng morpema
morpolohiya
pinkamaliit na yunit ng salita na may kahulugan
morpema
ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng morpema dahil sa impluwensiya ng katabing ponema
pagbabagong morpoponemiko
anumang pagbabagong nagaganap sa /nj/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito
asimilasyon
pag ang kasunod na ponema ay p, b
pam/mam/sim/sam/labim/kasim
pag ang kasunod na ponema ay d,s,l,r,t
pan/man/sin/san/labin/kasin
uri ng asimilasyon na buo pa ang salitang ugat
di ganap na asimilasyon
halimbawa:
pang+paaralan=pampaaralan
pang+bayan=pambayan
pang+dikdik=pandikdik
di ganap na asimilasyon
uri ng asimilasyon na hindi na buo ang salitang ugat
ganap na asimilasyon
pang+palo – pampalo – pamalo
pang+tali – pantali – panali
ganap na asimilasyon
halimbawa ng pagbabagong morpoponemiko: pagpapalit ng ponema
pagpapalit ng ponema
halimbawa:
ma+dapat=marapat
pagpapalit ng ponema
halimbawa:
lapad+an=laparan
pagpapalit ng ponema
halimbawa:
dugo+an=duguan
pagpapalit ng ponema
uri ng pagbabagong morpoponemiko na nagpapalit ng posisyon
metatesis
halimbawa:
in+lipad = linipad = nilipad
in+yaya = yinaya = niyaya
metatesis
kondisyonng /l/ at /y/
halimbawa
tanim+an = taniman = tamnan
metatesis
kondisyong may kaltas
uring pagbabagong morpoponemiko na nagaganap kung ang huling ponemang patinig sa salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi
pagkakaltas ng ponema
halimbawa:
takip+an = takipan = takpan
pagkakaltas ng ponema
halimbawa:
kitil+in = kitilin = kitlin
pagkakaltas ng ponema
uring pagbabagong morpoponemiko na may pagsasama-sama ng dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita at pagkakaltas upang mapaikli ang bagong anyo ng nabuong salita
halimbawa: wika+ko = kako
pag-aangkop
salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari
pangngalan
tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, lugar o pangyayari
pantangi
karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari
pambalana
pangngalan - kung tumutkoy sa bagay na materyal
tahas
pangngalan - tinutukoy ay diwa o kaisipan at hindi ang materyal na bagay
basal
bahagi ng pananalita sa inihahalili o ipinapalit sa pangngalan
panghalip
uri ng panghalip: ako, siya, sila
panao
uri ng panghalip: akin, kaniya, kanila, amin
paari
uri ng panghalip: sino, ano, kailan
pananong
uri ng panghalip: dito, doon
pamatlig
uri ng panghalip: madla, pangkat
panaklaw
salitang tumutukoy sa kilos o galaw ng salita sa loob ng pangungusap
pandiwa
tanda ng paksa
ang, ang mga, si, sina, ako, siya, kami, sila, ikaw, tayo
pokus ng pandiwa
ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa
pokus sa tagaganap
pokus sa pandiwa
ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang paksa sa pangungusap
pokus sa tagatanggap
pokus sa pandiwa
nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang layon ang paksa/binibigyang-diin sa pangungusap (tumatanggap ng kilos ay isang bagay)
pokus sa layon
pokus sa pandiwa
nagsasaad na ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang paksa ng pangungusap
pokus sa kagamitan/Instrumento
pokus ng pandiwa
ang paksa ay nagsasaad ng deriksiyon ng kilos ng pandiwa
pokus sa direksiyon
pokus ng pandiwa
ang paksa ay lugar o ganapang kilos
pokus sa ganapan
pokus ng pandiwa
ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos
pokus sa sanhi
pokus ng pandiwa
Ako ay nagdala ng laruan
pokus sa tagaganap
pokus ng pandiwa
Kumain ng suman at mangga ang bata.
pokus sa tagaganap
pokus ng pandiwa
Sina lola at lolo ay dinalhan ko ng ulam
pokus sa tagatanggap
pokus ng pandiwa
Ibinili ni Wally ng ilaw na kapis ang pinsan ko.
pokus sa tagatanggap
pokus ng pandiwa
Ang sinaing ay bantayan natin.
pokus sa layon
pokus ng pandiwa
Kinain ng bata ang suman.
pokus sa layon
pokus ng pandiwa
Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang malinis
pokus sa kagamitan/instrumento
pokus ng pandiwa
ang palakol ay ipinamputol ko ng kahoy na nasa likod ng bahay
pokus sa kagamitan/instrumento
pokus ng pandiwa
Pinagpasyalan ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang People’s Park
pokus sa direksiyon
pokus ng pandiwa
Tinungo ng mga bata ang bagong paaralan
pokus sa direksiyon
pokus ng pandiwa
Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran
pokus sa ganapan o lokatibong pokus
pokus ng pandiwa
Pinagdausan ng paligsahan ang bagong entablado
pokusa sa ganapan o lokatinong pokus
pokus ng pandiwa
Ipinagkasakit niya ang labis na pagtatrabaho
pokus sa sanhi
pokus ng pandiwa
ikinagagalak ng guro ang pagdating niya
pokus sa sanhi
aspekto ng pandiwa
ang kilos ay natapos na
perpektibo
aspekto ng pandiwa
katatapos lamang ng kilos
perpektibong katatapos
aspekto ng pandiwa
ang kilos ay nasimulan na ngunit kasalukuyan pang ginagawa
imperpektibo
aspekto ng pandiwa
ang kilos ay hindi pa nasimulan
kontemplatibo
ano ang mga panuring
pang-uri at pang-abay
ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay ng katangian at bilang sa pangngalan at panghalip
pang-uri
ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay
pang-abay
mga pang-ugnay
pangatnig
pang-angkop
pang-ukol
mga pananda
pantukoy
pangawing na “ay”
ay mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap
pangatnig
at, kapag, kasi, ngunit, samakatuwid, o, upang, samatala, kaya, habang, sapagkat
pangatnig
ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging maggan ang pagbigkas ng mga ito.
pang-angkop
na, -ng, -g ay mga halimbawa ng
pang-angkop
ito ay nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay
pang-ukol
para, ayon, hinngil, alinsunod, tungkol, ukol, laban ay mga halimbawa ng
pang-ukol
ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan, o pangyayari. Nahahati sa dalawang uri; isahan at maramihan
pantukoy
ang, ang mga, si, sina, ni, nina, kay, kina ay mga halimbawa ng ___________
pantukoy
ito ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. ito ay palatandaan ng ayos ng pangungusap
pangawing