PAGPAG Kahulugan at bahagi ng pananaliksik Flashcards
Ayon sa kaniya - pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo so klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Good (1963)
ayon sa kaniya ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyonng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na gawain – ang paghahanda ng kanyang ulat-pampananaliksik.
Aquino 1974
Ayon sa kaniya ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan
Manuel at Medel 1976
ayon sa kaniya ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Parel 1966
Ayon sa kaniya ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
E trece at JW trece 1973
Ayon sa kaniya ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.
Calderon at Gonzales 1993
ayon sa kaniya ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano.
Kerlinger 1973
ayon sa kaniya ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
Atienza atbp
ayon sa kaniya ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika.
San Miguel 1986
ayon sa kaniya ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Galang
ayon sa kaniya ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.
Arrogante 1992
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
KABANATA I (Suliranin at Kaligiran nito
1. Panimula o Introduksyon
2. Paglalahad ng Suliranin
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
5. Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
6. Balangkas Teoritikal
7. Balangkas Konseptuwal
8. Disennyo ng Pananaliksik
9. Respondente
10. Kaligiran ng Pag-aaral
11. Pamaraang Pananaliksik
12. Instrumento ng Pananaliksik
13. Istatistikang Tritment ng mga Datos
14. Pagkabuo ng Pag-aaral
- tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang tungkol sa iyong pinagaaralang paksa at bakit kailangan pa itong pag-aralan.
Panimula o INtroduksyon
babanggitin ang layunin ng pananaliksik na maaring sa anyong patanong o simpleng paglalahad ng layunin. Iaanyo itong nangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o higit pang mga tiyak na layunin.
Paglalahad ng suliranin
Sa bahaging ito ay napapaloob ang mga pangkat ng tao na makikinabang sa gagawing pag-aaral. (ex: sa mag-aaral, guro, magulang, administrador)
Kahalagahan ng Pag-aaral