Komu Flashcards
Likas sa tao ang wika, ginagamit ito para ibahagi ang kaisipan, nararamdaman..etc.
Edward Sapir
Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo at ginagamit ng isang lipunan.
John B. Carroll
Ang wika ay set o kabuuan ng sagisag/simbolo ng tunog na binibigkas at may pasulat na katumbas
Loreto Todd
Nakabalangkas sa wika ang masistemang tunog na binibigkas, at simbolo na arbitraryong pinili ng mga unang tao.
Bram
Nakataglay sa wika ang simbolo o tanda, na nagkakaroon ng saysay ayon sa gumagamit nito.
Lachica
Ang wika ay para sa tao. Simbolo ng wika ang nauuna at tiyak na gawaing pantao.
Archibald A. Hill
Ang wika ay binubuo ng balangkas ng salitang tunog na pinipili at inaayos sa arbitraryong paraan
Henry A. Gleason
May sistema ang wika. Ito ay nagtataglay ng set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagagamit sa isang lipunan, pantao, nagagamit sa kultura
Brown
Halaw sa anong salita ang Wika
mula sa salitang Latin na lingua kahulugan ay “dila” at “wika” o lengguwahe. (Ang salitang Pranses na langue na nangangahulugang wika at dila ay dito nagmula)
May nakasalig tuntuning panggramatika ang wika bago pa man ito ginagamit pang komunikasyon
May masistemang balangkas
Mga Katangian ng Wika
May masistemang balangkas, ang wika ay sinasalitang tunog, ito ay arbitraryo, nakabatay ito sa kultura, ang wika ay dinamiko (nabubuhay at namamatay), ito ay midyum sa komunikasyon, ito ay makapangkayarihan, may pulitika ang wika, walang wikang superyor
Likas sa tao ang paglikha ng tunog na mabubuo bilang ganap na wika.
Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang bawat lalawigan halimbawa ay may kanya-kanyang katawagan sa mga
bagay-bagay sa kanilang paligid.
(Ang wika) Ito ay arbitraryo
Ang bawat uri ng kultura na maaaring
nahahawakan o di nahahawakan ay may katumbas na kataga na maaring
bigkasin o isulat. Samakatuwid, ang wika ay
nagiging daluyan at imbakan ng kultura.
Nakabatay ito (wika) sa kultura
Ang salita ay buhay kung ito ay patuloy na ginagamit. Hindi ito static o walang pag-unlad. Ang salita ay namamatay kung wala nang gumagamit nakaraan ang ilang henerasyon.
Ang wika ay dinamiko
Ang wika ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Tulay ang wika upang maghatid, mag tanggap at mag unawa ng mensahe.
Ito (wika)ay midyum sa komunikasyon
Naipapalabas ng wika ang mga emosyon, napapayaman ang diwa, napapagalaw ang tao etc.
Ito (wika) ay makapangyarihan
Nababahiran ng isyu ang wika, katulad ng pagpili ng wikang pambansa, panukalang batas tungkol sa wika, implementasyon ng paggamit ng wika sa akademya, at sa mga transakyon sa pamahalaan.
May pulitika ang wika
Lahat ng wika ay may halaga at gamit sa isang lipunan. Walang wikang nakakaangat.
Walang wikang superyor
Hakbang ginawa ng kongreso sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. At anong katutubong wika ito nakabatay.
Art. XIV, Sek. 3 ng S. B. (1935) Nakabatay sa Tagalog na katutubong wika