Filipino Reviewer 5-8-2023 Flashcards
Ito ay isang tekstong nagpapahayag ng mga
serye ng pangyayaring magkakaugnay.
TEKSTONG NARATIB
Sa simpleng salita, ito ay pagkukwento.
TEKSTONG NARATIB
Pagpapahayag ito ng isang karanasan na
maaaring totoo o likhang-isip lamang.
TEKSTONG NARATIB
Ito ay nagmumula sa isang kapaligirang ginagalawan ng
isang tagapagsalaysay.
Paksa
Ito ang binibigyang-pansin o
tuon sa isang tekstong salaysay.
Paksa
Ito ay ang pinakabalangkas o kalansay ng isang salaysay
na nakatuon sa kawil o pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari.
Banghay
Tumutukoy ito sa mga karakter na nagbibigay buhay sa
isang kwento.,
Tauhan
E.M FOSTER- 2 URI NG TAUHAN
TAUHANG BILOG
TAUHANG LAPAD
ay isang uri ng mga tauhan na nagbabago ang katangian o pag-uugali mula sa simula hanggang sa huli, ibig sabihin ganon pabago-bago ang katangian at ugali ng mga tauhan hanggang dulo o wakas ng kwento.
TAUHANG BILOG
Tauhan na di nagbabago
TAUHANG LAPAD
Ito ang pook o lugar na pinangyayarihan ng bawat detalye
ng isang salaysay.
Tagpuan
Tumutukoy ito sa suliraning kinahaharap ng mga
tauhan na nagpapataas ng kawilihan ng kwento.
Tunggalian
MGA PUNTO DE VISTA NG TAGAPAGSALAYSAY
Unang Panauhan, Ikalawang Panauhan, Ikatlong Panauhan
Tinutukoy nito ang anumang pananaw na binibigyang
pansin sa isang kwento.
Punto de vista
Ang nagsasalaysay ang mismong gumaganap sa kilos na
isinasaad ng isang kwento. Kalimitang ginagamitan ng “Ako”.
Unang Panauhan
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinapagalaw niya sa kwento kaya’t gumagamit siya ng mga
panghalip na “ka” o “ikaw”.
Ikalawang Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay
ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang
panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “Siya”.
Ikatlong Panauhan
MGA URI NG SALAYSAY
Salaysay ng Nakaraan, Salaysay ng Pangyayari, Salaysay na Nagpapaliwanag, Salaysay ng Pakikipagsapalaran, Salaysay na Patalambuhay, Kathang Salaysay, Salaysay ng Paglalakbay, Salaysay na Pangkasaysayan
Salaysay ito ng mga karanasang natatangi dahil kakaiba at
hindi malilimutan.
Salaysay ng Nakaraan
Salaysay ito ng mga pangyayari sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay na maaaring nakatutuwa, nakalulungkot,
nakaaasar, nakatatakot at iba pa.
Salaysay ng Pangyayari
Layunin nito na magbigay ng impormasyon at magpaliwanag
tulad ng pag-uulat o paraan ng mga pangyayaring naganap
sa kasaysayan o ng karanasan.
Salaysay na Nagpapaliwanag
Intensyon nitong maging obhektibo kaya hindi maaaring
baguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o
anumang detalye ng isang kwento.
Salaysay na Nagpapaliwanag
Salaysay ito na maaaring magdulot ng tagumpay o
kapahamakan sa isang tauhan.
Salaysay ng Pakikipagsapalaran
Salaysay ito ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao
mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang
pagpanaw.
Salaysay na Patalambuhay
Nasa tauhan, tagpuan at himig ang kawilihan ng salaysay
na ito. Ito’y kalimitang naisusulat sa paraang malikhain.
Kathang Salaysay
Salaysay ito ng mga pangyayari sa mga napuntahang lugar.
Salaysay ng Paglalakbay