Filipino Putanaydna Flashcards
Ito ay isang tekstong nagpapahayag ng mga serye ng pangyayaring magkakaugnay.
Tekstong Naratib
Sa simpleng salita, ito ay ___________.
Tekstong Naratib, pagkukwento
Pagpapahayag ito ng isang karanasan na maaaring totoo o likhang-isip lamang.
Tekstong Naratib
Ito ay nagmumula sa isang kapaligirang ginagalawan ng isang tagapagsalaysay.
Paksa
Ito ang binibigyang-pansin o tuon sa isang tekstong salaysay.
Paksa
Tumutukoy ito sa mga karakter na nagbibigay buhay sa isang kwento.
Tauhan
Ito ang pook o lugar na pinangyayarihan ng bawat detalye ng isang salaysay.
Tagpuan
Tinutukoy nito ang anumang pananaw na binibigyang pansin sa isang kwento.
Punto de vista
MGA URI NG SALAYSAY (Ilista)
1) Salaysay ng Nakaraan
2) Salaysay ng Pangyayari
3)Salaysay na Nagpapaliwanag
4) Salaysay ng Pakikipagsapalaran
5) Salaysay na Patalambuhay
6) Kathang Salaysay
7) Salaysay ng Paglalakbay
8) Salaysay na Pangkasaysayan
Salaysay ito ng mga pangyayari sa ating pang-araw-araw na pamumuhay na maaaring nakatutuwa, nakalulungkot, nakaaasar, nakatatakot at iba pa.
Salaysay ng Pangyayari
Layunin nito na magbigay ng impormasyon at magpaliwanag tulad ng pag-uulat o paraan ng mga pangyayaring naganap sa kasaysayan o ng karanasan.
Salaysay na Nagpapaliwanag
Intensyon nitong maging obhektibo kaya hindi maaaring baguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o anumang detalye ng isang kwento.
Salaysay na Nagpapaliwanag
Salaysay ito na maaaring magdulot ng tagumpay o kapahamakan sa isang tauhan.
Salaysay ng Pakikipagsapalaran
Salaysay ito ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang pagpanaw.
Salaysay na Patalambuhay
Nasa tauhan, tagpuan at himig ang kawilihan ng salaysay na ito.
Kathang Salaysay
Ito’y kalimitang naisusulat sa paraang malikhain.
Kathang Salaysay
Salaysay ito ng mga pangyayari sa mga napuntahang lugar.
Salaysay ng Paglalakbay
Kailangang tiyak ang detalye ng salaysay na ito dahil may kaakibat itong katotohanang batay sa mga tunay na pangyayaring naganap sa isang lipunan o bayan.
Salaysay na Pangkasaysayan
Mga Elemento ng Mabisang Salaysay (Ilista)
1) Panahon
2) Kahulugan
3) Kaayusan
4) Pananaw
5) Dayalogo
Nakatuon ito sa disenyo ng mga pangyayaring isinasalaysay na kalimitang lohikal at organisado.
Kaayusan
Tumutukoy ito sa nais ipadama at ipaunawa ng nagsasalaysay.
Kahulugan
Ito ang nagdudulot ng kaisahan at kabuluhan ng kwento.
Kahulugan
Ito ang katayuan ng nagkukwento ng isang salaysay. Maaaring tagapagmasid lamang ang tagapagsalaysay sa mga pangyayari o siya mismo ay kasangkot sa aksyon.
Pananaw
Nagbibigay diin ito sa usapan o palitan ng mga pahayag ng mga karakter o tauhan na pumuputol sa mahahaba at nakababagot na eksena sa isang salaysay.
Dayalogo
Mga Gabay sa Pagsulat ng Isang Pagsasalaysay:
- Masusing pamimili ng mga detalye.
- Konsistensi sa pananaw.
- Tamang proporsyon ng mga bahagi ng salaysay.
- Malinaw na transisyon.
Mga Anyo ng Pagsasalaysay (Ilista)
1) Tulang Pasalaysay (Mga Halimbawa)
2) Sanaysay
3) Anekdota
4) Gunita at Episodyo
5) Dula
6) Mito
7) Parabula
8) Kwentong bayan
9) Malikhaing Kwento
Tumutukoy ito sa mahahaba at tradisyonal na tulang may
tugma, sukat, talinghaga at kariktan.
Tulang Pasalaysay (Mga Halimbawa)
Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging
paksa na higit na maikli at pormal kaysa sa alinmang akda.
Sanaysay
Isang maikling bahagi ng buhay ng isang tao na kadalasa’y
totoo, kapuri-puri, kakaiba at nagwawakas na may isang
kakintalan at aral na magiging huwaran sa isang
sambayanan.
Anekdota
Ito ay salaysay na tumutukoy sa mumunti ngunit mahalaga
at makasaysayang yugto sa buhay ng isang tao na
kakikitaan ng
Gunita at Episodyo
Naglalarawan ito ng isang bahagi ng buhay sa
pamamagitan ng kilos at tinatanghal sa tanghalan.
Dula
Isang uri ng salaysay na nakatuon sa mga diyos at diyosa
at misteryo ng buhay o kalikasan.
Mito
Naglalahad ito ng mga pangyayaring kapupulutan ng aral
na kadalasang hango sa Bibliya.
Parabula
Tumutukoy ito sa kwentong naglalarawan ng kultura ng
isang pangkat ng tao.
Kwentong bayan