Fil1- 2nd Quarter Flashcards
Panahon ng Katutubo
Tatlong Grupo na Unang Dumating sa Pilipinas
- Negrito
- Indones
- Malay
3 Uri ng Negrito
- Tunay na Negrito
- Australoid-sakai
- Proto-malayo
2 Uri ng Indones
- Unang Pangkat
- Pangalawang Pangkat
maputi, kalaliman ang mga mata at matangos ang ilong
Unang Pangkat
makapal and labi, bilugan ang mata at sinasabi gumawa o lumikha ng Hagdang-hagdan palayan
Pangalawang Pangkat
huling dayuhan
Malay
Katulong ni Sultan Abu
4 items
- Ruma Bichara
- Kadi
- Panglima
- Panditas
tagapayo ng sultan sa pangangasiwa ng batas
Ruma Bichara
tumulong sa tungkuling panrelihiyon
Kadi
namumuno sa mga lugar na malaya sa sentro ng pamahalaan
Panglima
tagapayo ng panglima
Panditas
Mga Uri ng Kantahing Bayan
9 items
- Kundiman
- Oyayi
- Dalit
- Talindaw
- Kumintang
- Diona
- Soliranin
- Kutang-kutang
- Maluway
awit sa paghaharana
Kundiman
awit sa pagpapatulog ng sanggol o bata
Oyayi
awit ng papuri, luwalhati, at pasasalamat
Dalit
awit sa pamamangka o pagsagwan
Talindaw
awit sa pakikidigma
Kumintang
awit sa mga ikakasal
Diona
awit ng mga mangingisda
Soliranin
awit sa lansangan
Kutang-kutang
awit sa sama-samang paggawa
Maluway
Panahon ng Kastila
unang aklat na inilimbag sa Pilipinas na naglalaman ng iba’t ibang bersyon ng dasal sa paraang baybayin
Doctrina Christiana
Panahon ng Rebolusyonaryong Pilipino
siya ang nagtatag ng La Liga Filipina
Dr. Jose Rizal
Mga Akda ni Jose Rizal:
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam)
Sobra La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Filipino)
Filipinas Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)
Siya ang nagtatag ng Diaryong Tagalog
Marcelo H. Del Pilar
Manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati”. Patnugot ng pahayagang La Solidaridad.
Graciano Lopez-Jaena
Ayon kay ___ ___, ang komunikasyon ay isang proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan batay sa impluwensiya ng mga particular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap.
Gime, 2015
Ayon kay _________, ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok na gamit ang limang makrong kasanayan— pakikinig, pagbasa, pagsasalita, pagsulat, at panonood.
Mangahis et al. 2008
Bawat isa sa atin ay bahagi ng komunikasyon dahil ang mundo ay nangangailangan ng pakikibahagi sa isa’t isa. Bawat indibidwal ay nabubuhay sa patuloy na nagbabagong mundo ng karanasan na ikaw ang sentro.
Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili
“No man is an island” walang tao ang nabubuhay para sa sarili lamang.
Ang komunikasyon ay nagsisimula sa ibang tao
Sa komunikasyon, mahalagang matutunan na ang mensahe ay binubuo ng pangnilalaman (content) at relasyonal (relational) na dimension.
Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon
Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil nakapaloob dito ang iba’t ibang aspeto ng mensahe ng berbal at di-berbal at behavior ng tagapadala at tagatanggap.
Ang komunikasyon ay komplikado
Lahat ng komunikasyon ay nagpapakilala ng paggamit ng simbolo, paksang mayroon na sa mahabang tradisyon sa kasaysayan ng ating disiplina. Ang simbolo ay isang bagay o ideya na ang kahulugan ay mas komplikado sa kung ito ay paano ito tingnan.
Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo
- Ito ay binubuo ng hindi lamang isang proseso kundi marami pang proseso na kinasasangkutan ng tagapadala at tagatanggap.
- Halimbawa nito ay pagtiyak ng tagapagdala/tagatanggap ng mensaheng ipapadala niya, sa paanong paraan/midyum niya ito ipapadala, mga salita o simbolong gagamitin, paano ito maiintindihan at ano ang relasyon ng tagatanggap sa mensahe.
Ang komunikasyon ay isang proseso
- Ito ay binubuo ng hindi lamang isang proseso kundi marami pang proseso na kinasasangkutan ng tagapadala at tagatanggap.
- Halimbawa nito ay pagtiyak ng tagapagdala/tagatanggap ng mensaheng ipapadala niya, sa paanong paraan/midyum niya ito ipapadala, mga salita o simbolong gagamitin, paano ito maiintindihan at ano ang relasyon ng tagatanggap sa mensahe.
Ang komunikasyon ay isang proseso
Ang tagapagdala (sender) ang nagsasagawa ng pagbibigay o pagsisimula ng pagpapadala ng mensahe (enkowd) ng bibigyang kahulugan (dekowd) ng tagatanggap (receiver) ayon sa inaasahan o layunin ng mensahe nito.
Mga Tao
Ito ay berbal o di-berbal na porma ng ideya, naiisip o nararamdaman ng isang tao. Ang ____ ang nilalaman ng interaksiyon na kung saan nakapaloob ang simbolo (salita o parilala) na ginagamit para ipahayag ang ideya, gayundin ang kilos ng katawan, pisikal na kontak, tono ng boses at iba pang di-berbal na galaw.
Mensahe
Ang mensaheng nabuo ng tagapagdala ay ibinabahagi sa tagatanggap sa pamamagitan ng instrument o ____ tulad ng radio, telebisyon, cellphone, email, mga larawan at iba pagn katulad nito. Sa harapang komunikasyon (person to person communication), naipadadala ang mensahe gamit ang tsanel na sounds at light waves upang makita at marinig ng tagatanggap.
Midyum/Tsanel
Bahagi ng sitwasyong komunikasyon kung saan magsasagawa ng berbal o di-berbal na sagot ang tagatanggap sa pinaggalingan ng mensahe.
Pidbak
Ito ang nagiging sagabal sa pagpapadala ng mensahe.
Ingay
2 Uri ng Ingay
- Pisikal
- Sikolohikal
Suliranin sa pagdinig, malakas ang ingay sa kapaligiran at espasyo kung gaano kalapit o kalayo ang kausap.
Pisikal
Gambala sa isipan ng tao tulad ng wala sa katinuan sa pag-iisip o may dala-dalang problema sa pamilya, relasyon at trabaho.
Sikolohikal
2 Uri ng Koda
- Kodang berbal
- Kodang di-berbal
Ay ang mga simbolo at ang ayos ng gramatikal sa pangungusap o pahayag.
Kodang berbal
Tumutukoy sa mga simbolong nakikita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, layo at oras, pananamit at mga adorno at mga tunog maliban sa salita.
Kodang di-berbal
Tatlong Paraan ng Komunikasyon
- Komunikasyon bilang Aksyon
- Komunikasyon bilang Interaksyon
- Komunikasyon bilang Transaksyon
Pagpapadala ng simpleng text o mensahe ni Christopher kay Janine subalit hindi nabasa ang mensahe. Sa ganitong paraan, mahirap makita na ito ay isang komunikasyon dahil walang nakabasa, subalit mayroong pagtatangka = attempt na naganap para magsagawa ng komunikasyon.
Komunikasyon bilang Aksyon
Sa paraang ito, nagkaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawa o higit pang tao ngunit ang pagpapalitang ito ay isang representatibo ng mas tipikal na persepsyon ng komunikasyon.
Komunikasyon bilang Interaksyon
Ito ang tipikal na ibinibigay na kahulugan ng mga awtor sa komunikasyon. Sinasabi sa komunikasyong ito, naisagawa ang paraang pagbabahaginan ng kahulugan at unawaaan sa pagitan ng isa o maraming indibidwal.
Komunikasyon bilang Transaksyon
Uri ng Komunikasyon ayon sa Konsepto (5)
- Komunikasyong Intrapersonal
- Komunikasyong Interpersonal
- Komunikasyong Pampubliko
- Komunikasyong Pang-masa
- Komunikasyong Kompyuter Mediated
Ito ay proseso ng komunikasyon na ang mensahe at kahulugan dito ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang.
Komunikasyong Intrapersonal
Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng hindi bababa sa dalawang tao sa isang sitwasyon.
Komunikasyong Interpersonal
Dalawang sabset ng Komunikasyong Interpersonal
- Dyadic
- Small Group
Nagaganap sa dalawang tao.
Dyadic
Brainstorming.
Small Group
Ito ay isinasagawa sa harap ng maraming mamamayan o tagapakinig.
Komunikasyong Pampubliko
- Ang komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng ating pagkatao. Ito ay nagsisilbing pangunahing instrument ng pagbigay at pagtanggap ng impormasyon. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Mass Media”
- Ito rin ang tawag sa antas ng komunikasyon ng kung saan ang tagahatid ng mensahe ay gumagamit ng mga kagamitan pang-midya gaya ng television, radio, at pahayagan upang maihatid ang kanyang mensahe.
Komunikasyong Pang-masa
Nakabilang dito ang komunikasyong pantao o impormasyong ibinabahagi sa pamamagitan ng communication networks.
Komunikasyong Kompyuter Mediated