Fil 2 Flashcards
1.
ito ay nagkukwento ng serye ng mga pangyayari na maaaring piksyon o di piksyon.
Tekstong Naratibo o Pasalaysay
Halimbawa ng naratibong Piksyon
4 itemzzz
❏ Nobela
❏ Maikling kwento
❏ Mito
❏ alamat
Halimabawa ng naratibong Di Piksyon
2 itemzz
❏ Biyograpiya
❏ Balita
Ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon, testimonya ng saksi sa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doctor, puna o mungkahi ng guro sa report card ng estudyante at iba pang katulad nito.
Tekstong Naratibo
mga taong gumaganap o sangkot sa tekstong naratibo.
Tauhan
Elemento ng tekstong Naratibo
di ako sured d2
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Paksa o Tema
Paraan ng pagpapakilala
Ekspositori
Dramatiko
tagapagsalaysay ang magpapakilala ng tauhan.
Ekspositori
kilos at pagpapahayag ang magpapakilala sa tauhan
Dramatiko
Mga karaniwang tauhan
Pangunahing tauhan
Katunggaling tauhan
Kasamang tauhan
❏ Bida
❏ Sa kanila umiikot ang buong kwento
Pangunahing tauhan
❏ Kasalungat o kalaban ng bida
❏ Bumubuhay sa kwento
❏ Pinapatingkad ang mga katangian ng bida.
Katunggaling tauhan
❏ Kasangga ng bida
❏ Tungkulin
-sumuporta
-magsilbing hingahan
-kaibigan ng bida
Kasamang tauhan
Uri ng tauhan
Tauhang bilog
Tauhang Lapad
Ang tauhan ay nagbabago ng ugali na
naaayon sa sitwasyon at emosyon
Tauhang bilog
Ito ang uri ng tauhan na nagbabago ng pananaw o personalidad
Tauhang bilog
Ito ang tauhan na nagtataglay na
predictable na kaugalian o reaksyon
Tauhang Lapad
Madaling matukoy kung ano ang magiging emosyon niya ayon sa mga pangyayari
Tauhang Lapad
tumutukoy sa lugar at panahon (oras, petsa, taon) ng
pangyayari sa akda
Tagpuan
ang tawag sa maayos na
daloy o pagkakasunod sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang magbigyang linaw ang temang
taglay ng akda
Banghay
Karaniwang banghay
Simula
Suliranin
Saglit na kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
dito makikita ang tauhan,
tagpuan at ang tema.
Simula
dito makikita ang
problema na hahanapang ng
kalutasan
Suliranin
dito makikita ang aksyong gagawin ng tauhan
tungo sa paglutas ng suliranin
Saglit na kasiglahan
dito nahihiwatigan ang mangyayari sa tauhan, pinakamataas na uri ng
kapanabikan
Kasukdulan
tulay tungo sa wakas
Kakalasan
ito ang kinahinatnan ng
buong akda
Wakas
Ang pagsasalaysay na hindi
nakaayos sa tamang
pagkakasunod- sunod
Anachrony
Tatlong uri ng Anachrony
A. Analepsis (Flashback)
B. Prolepsis (Flash-Forward)
C. Ellipsis
paggamit ng mga nangyari na sa nakalipas
Analepsis (Flashback)
paggamit ng mga pangyayaring
magaganap sa hinaharap
Prolepsis (Flash-Forward)
may mga puwang sa pagkakasunod-sunod na
magpapakita na may tinanggal at
hindi sinama
Ellipsis
Sentral na ideya kung saan umiikot
ang mga pangyayari
Paksa o Tema
Mainam na mapalinang nang husto
upang maparating sa mga
mambabasa ang pinaka mensahe
Paksa o Tema
Pagpapahalaga sa mga
mahahalagang aral
Paksa o Tema
ginagamit ito upang maging makatotohanan ang
pangyayari sa pamamagitan ng
pag-uusap ng dalawang tauhan sa
kwento.
Diyalogo
iba pang salita nito ay pangangatwiran
Tekstong Argumentatibo
Ang layunin nito ay makahikayat ng
mambabasa kaugnay ng isyung
ipinapahayag ng isang manunulat.
Tekstong Argumentatibo
Maling uri ng pangangatwiran (12)
- Argumentum ad hominem
- Argumentum ad baculum
- Argumetum ad misercodiam
- Non sequitor
- Ignoratio Elenchi
- Maling paglalahat
- Maling paghahambing
- Maling saligan
- Dilemma
- Maling awtoridad
- Argumentum ad ignorantiam
- Straw man fallacy
isang nakakahiyang pag atake sa
personal na katangian/ kalagayan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay
Argumentum ad hominem
Ano ang mapapala ninyo
Sa pagboto sa aking katunggali
gayong hindi naman siya naging
pinuno ng kanyang klase o ng
kanyang barangay Balita Ko’y under
de saya pa yata !
Argumentum ad hominem
pwersa o awtoridad ang gamit upang
maiwasan ang isyu at tuloy na
maiplano ang argument
Argumentum ad baculum
Tumigil ka sa sinasabi
mo! anak lang kita at wala kang
karapatan magsalita sa akin ng
ganyan! Baka sampalin kita at nang
makita mo ang hinahanap mo.
Argumentum ad baculum
upang makamit ang awa at pagkampi ng
mga nakikinig/ bumabasa ginagamit
ito sa paraang pumipili ng mga
salitang umaatake sa damdamin at
hindi sa kaisipan.
Argumetum ad misercodiam
Limusan natin ang mga
kapuspalad na taong ito sa lansangan.
Hindi ba natin nakikita ang marurumi
nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang
ba ang magbigay ng ilang sentimos
bilang pantawid gutom.
Argumetum ad misercodiam
sa English ay it doesnt follow, pagbibigay ito ng konklusyon
sa kabila ng walang kaugnayang
batayan.
Non sequitor
Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga.
Masamang pamilya ang pinag mulan
niya.
Non sequitor
madalas ito gamitin ng mga pilipino lalo na sa
usaping barberya. Ito ay kilala sa
ingles na circular reasoning paliguyligoy kaya walang patutunguhan.
Ignoratio Elenchi
Anumang bagay na
magpapatunay sa aking pagkatao ay
maipapaliwanag ng aking butihing
maybahay. Tiyak ko namang
paniniwalaan niyo siya sapagkat naging
mabuti siyang ina ng aking mga anak
kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
Ignoratio Elenchi
dahil lamang sa ilang sistema. Sitwasyon nagbigay na
agad ng isang konklusyong sa
sumasaklaw pangkalahatan.
Maling paglalahat
Ang artistang ito ay
naging tiwali sa kanyang
panunungkulan. Ang artista namang
iyon ay maraming asawa,
samantalang bobo naman ang isang
ito na tumatakbo bilang konsehal.
Huwag natin iboto ang mga artista
Maling paglalahat
: Bakit ninyo ako
patutulugin agad ? kung kayo nga ay
gising pa ! (sagot ng anak sa ina)
Maling paghahambing
karaniwang tinatawag na usapang lasing ang
ganitong uri sapagkat mayroon
ngang hambingan ngunit hindi
naman sumasala sa matinong
konklusyon.
Maling paghahambing
nagsisimula sa
maling akala na siyang naging
batayan. Ipagpatuloy ang gayon
hanggang magkaron ng konklusyong
wala sa katwiran.
Maling saligan
lahat ng kabataan ay
pagaasawa ang iniisip, sa pag
aasawa kailangan ang katapatan at
kasipagan upang magtagumpay.
Dahil dito dapat maging tapat at
masipag ang mga kabataan.
Maling saligan
naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para
bang iyon lamang at walang ng ibang
alternatibo.
Dilemma
upang hindi ka
mapahiya sa ating debate, ganito na
lamang ang gawin mo: huwag kang
pumunta o kaya ay magsabmit ka ng
papel na nagssaad ng iyong pag
urong.
Dilemma
naglalahad ng tao
o sangguniang walang kinalaman sa
isyung kasangkot.
Maling awtoridad
ang kristiyano ay
pananampalataya ng mga mahihina.
Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
Maling awtoridad
nagpapalagay na
hindi totoo ang anumang napatutunayan
kaya totoo ang anumang hindi
napagsisinungalingan, tinanggap ang
argumento, sapagkat madami ang
sumangayon
Argumentum ad ignorantiam (bandwagon fallacy)
binago ang pagkakasabi ng tao para mas mabilis umatake.
Straw man fallacy
nagsisimula sa
pangkalahatang kaalaman, bago
maghinuha ng mga partikular na
pangyayari (general-specific)
Deductive/pangangatwirang
pasaklaw
konklusyon, imperensiya
ang isang proposisyon (ang
konklusyon) ay hinihinuha o
hinahango mula sa dalawa o higit
pang mga iba (ang mga premisa) ng
isang espesipikong anyo.
Silohismo
Mga uri ng tekstong argumentatibo
not finishedd
- Puna
- Sayantifik
Ito ay nauugnay ng mga pangyayari, bagay at mga
ideya sa pansariling pagiisip, paniniwala, tradisyon at
pagpapahalaga
Puna
kung ito ay nauugnay
sa mga konsep sa isang tiyak na
sistema ng karanungan at pagiisip
upang ang kinalabasang proposisyon
ay ma verify.
Sayantifik
Iba’t-ibang paraan sa paghahanda ng
pangangatwiran:
- Analysis
- Sanhi at Bunga
- Inductive/Pangangatwirang Pabuod
- Deductive/Pangangatwirang Pasaklaw
- Silohismo
pagsusuri sa paksa sa
pamamagitan ng paghihimay- himay
sa mga bahagi nito.
Analisis
pag-uugnay ng
mga panyayari batay sa kung alin
ang sanhi ng aling bunga
Sanhi at bunga
nagsisimula sa maliit na
katotohanan tungo sa isang panlahat
na simulain o paglalahat.
Inductive/ pangangatwirang
pabuod