Short Samples for Filipino Quiz 1 Flashcards
Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.
Impormatibo
Ipinanganak si Jose P. Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Pinatay siya ng mga Espanyol noong Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan.
Naratibo
Tila isang abandonadong lugar ang kaniyang silid dahil sa sobrang dumi.
Deskriptibo
Nararapat lamang na parusahan ng mga magulang ang mga anak nilang pasaway upang maturuan ng displina at maging mabuti.
Argumentatibo
Hatiin sa apat ang papel at gupitin nang maliliit na piraso. Idikit ito sa isang malinis na bond paper upang makabuo ng mosaic.
Prosidyural
Kung barado na ang inidoro, lumapit na sa lagi ninyong malalapitan. Malabanan septic tank cleaner. Palaban sa bara.
Persweysib
Ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ito rin ang itinanghal na pinakapinanood na pelikulang Pilipino sa kasaysayan.
Naratibo
Pindutin ang windows icon at i-type sa search bar ang Microsoft Office. Piliin ang Word at maaari nang gumawa ng dokumento.
Prosidyural
Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra iligal na droga.
Impormatibo
Kumukutitap na ang mga ilaw sa napakagandang bahay nina Jonas.
Deskriptibo
Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo sa bansa. Dumarami ang mga turistang bumibisita sa rito.
Impormatibo
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutuhan sa paaralan.
Impormatibo
Kumakatawan sa Mutya ng Pasig ang mga kababaihan, ang idealismo ng pagkaperpekto sa lahat ng aspeto na ehemplo ng katapatan, tapat na kalooban at kagandahan ng Lungsod ng Pasig.
Deskriptibo
Ang katawan ng tubig ng Ilog Pasig sa magkabilang panig ng babae ay mungkahi na nagkokonekta sa dalawang anyong tubig, Lawa ng Laguna at Manila Bay na magkaparehong inilalarawan sa pamamagitan ng alon.
Deskriptibo
Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo sa bansa. Dumarami ang mga turistang bumibisita sa rito.
Argumentatibo