Filipino Quiz 1 Module 1 and 2 Flashcards
Nagmula ito sa wikang Malay.
Wika
Ang salitang “lengguwahe” ay nagmula sa ____.
Latin
Ang salitang wika, lengguwahe, o langguage ay tumutukoy sa?
Salitang “Dila”
Nagsasabi na ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Cambridge Dictionary
Nagsasabing ang wika ay saplot ng kaisipan. o mas angkop na ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan ng bawat isa.
Thomas Carlyle
Nagsasabi na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isiinaayos sa paraang arbitraryo…
Henry Gleason
Nagsasabing ang wika ay isang kalipunan ng mga salita, at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang mga tao.
Pamela Constantino at Galileo Zafra
Nagsasabing ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Archibald A. Hill
Katangian ng wika. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Binubuo ng mga tunog o sinasalitang tunog ang wika.
Katangian ng wika. Bawat tunog ay may sumasagisag na mga tiktik ng alpabeto. Eg. tunog na /bi/ ay titik na ‘b’.
Nasusulat ang wika.
Katangian ng wika. Dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang pagkakasunod-sunod o sikwens.
Masistemang balangkas ang wika.
Pag-aaral ng ponema.
Ponolohiya
Tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Eg. /a/, /y/, /o/, /s/, ay nagiging salitang “ayos”
Ponema
Pag-aaral ng morpema.
Morpolohiya
Tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa wika.
Morpema