Filipino Quiz 1 Module 3-5 Flashcards
Kahalagahan ng Wika. Wika ang dahilan kung bakit nagkakaisa o nagkakaiba-iba ng paniniwala ang bawat tao sa lipunan.
Sa Bansa at Ang Naninirahan Nito
Kahalagan ng Wika. Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang ____ at ng mga mamamayan nito.
Sa Bansa at Ang Naninirahan Nito
Kahalagahan ng Wika. Nakasulat sa papel ang mga batas na galing sa ____ at maaari nating mabasa sa Ingles man o sa Filipino.
Pamahalaan
Kahalagahan ng Wika. Sapagkat ang wika ang tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng kaalaman malaki ang papel na gingampanan nito sa larangan ng ______
Edukasyon.
Katangian ng Wika. Walang tatawaging ___________ kung wala ang wika. Ang wika ay importante sa pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng balita, at pagbibigay entertainment naman tulad ng teleserye o pelikula.
Media at Entertainment
Kahalagahan ng Wika. Kung pagkakaunawaan at pagkakaisa lang ang usapin ay talagang may papel ang wika. Walang saysay ang sangkatauhan kung walang wika.
Pang-araw-araw na pamumuhay
Ang paggamit ng wika ay maaaring maging simbolo ng katayuan sa lipunan ng mga taong gumagamit nito. Tawag sa wikang ginagamit ng pangkat ng tao ayon sa katayuan sa buhay.
Sosyolek
Dalawang kategorya ng sosyolek
Pormal at Di-pormal (o Impormal)
Mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
Pormal
Mga salitang kadalasang ginagamit sa pook sentro ng kalakalan, mga opisyal sa pamahalaan, at wika sa pagtuturo. Wikang ginagamit bilang batayang wika sa mga aklat.
Pambansa
Pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit sa pagsulat ng mga tula, nobela, sanaysay, atbp. Masining ang mga salita, at gumagamit ng tayutay o idyoma.
Pampanitikan o Panretorika
Antas ng wika na ito ay karaniwan, simple, gamitin, o palasak sa araw-araw na pakikipag-usap.
Di-pormal o Impormal
Salitang ginagamit sa mga partikular na pook o lalawiganin na malayo sa kabisera o sentro ng bansa.
Lalawiganin
Karaniwan, ang pagpapaikli ng isa o higit pang salita lalo na sa pasalitang komunikasyon. Pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Kolokyal
Tinatawag sa Ingles na slang. Pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang pangkat ay may sariling kodigo o codes.
Balbal