Filipino sa Piling Larangan (Part II) Flashcards
Ang pagbubuod ay kadalasang ginagamit at ginagawa upang paikliin ang mahabang kwento, balita o pangyayari.
Buod
Kadalasan itong binubuo ng mga importante at direktang impormasyon.
Buod
Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kaniyang mga narinig or nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
Buod
3 na kinakailangan sa pagsulat ng buod:
- kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto
- kailangang nailalahad ang sulat sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
- kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.
4 na katangian ng isang mahusay na buod :
- Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
- Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
- Gumagamit ng mga susing salita
- Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang mensahe.
Unang hakbangin sa pagbubuod:
Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto o detalye.
Pangalawang hakbangin sa pagbubuod :
Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawatideya.
Pangatlong hakbangin sa pagbubuod :
Ayusin ang pagkakasunod- sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
Pang-apat na hakbangin sa pagbubuod :
Kung gumamit ng unang panuhan ang awtor, palitan to ng kanyang apelyido ng “Ang manunulat”, o “siya”
Pang-limang hakbangin sa pagbubuod:
Isulat ang buod
Ang ________ ay mula sa salitang Griyego na Syntithenai.
Sintesis
Ang Sintesis ay mula sa salitang Griyego na ______
Syntithenai
Ang ____ ay nangangahulugang kasama o magkasama
Syn
Ang ______ ay nangangahulugang ilagay o sama-samang ilagay.
Tithenai
Ang ______ ay kadalasang nakikita sa mga tesis at pananaliksik na ang literatue at pag-aaral ay binubuod sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng mga ideya mula sa iba’t ibang awtor na tumatalakay sa iisang paksa.
Sintesis
Ang _______ ay isang halimbawa ng pagbubuod kung saan kukuha ang isang manunulat ng mga maliliit ngunit ____________ sa bauuan ng isang sulatin o salaysay. Ang kanyang pangunahing layunin ay ang makagawa ng _______________ ngnit kumakatawan at _________ ng kabuuan ng kanyang ibinuod.
sintesis
importanteng parte
sariling sulatin na maikli
kasing-kahulungan
Dalawang anyo ng sintesis :
Isang sulating naglalayong tulungan ang mga mambabasa at tagapakinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay
Explanatory Synthesis