Filipino sa Piling Larang (Part III) Flashcards
Ay isang masining na pagpapahayag ng nasasaloob sa harap ng madla o maraming tao.
Talumpati
Nakapaloob dito ang pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa.
Talumpati
Ang __________ ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. (Wikipedia)
Talumpati
Ang talumpati ay isang buod ng ____________________ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng ____________ sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng ______________________ na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. (Wikipedia)
Kaisipan
Pasasalita
Komunikasyong pampubliko
Ang talumpati ayon kay __________________ Ito ay isang sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handang magsipagkinig. Ang mga tiyak na layunin ng talumpati ay humihikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at maglahad ng isang paniniwala.
Lolita R. Nakpil.
Apat na uri ng talumpati
Biglaang talumpati (Impromptu o Daglian)
Maluwag (Extemporaneous)
Manuskrito
Isinaulong Talumpati
Ang uri ng talumpatig ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
Biglaang Talumpati (Impromptu O Daglian)
Sa talumpating ito nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. Madalas outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito.
Maluwag (Extemporaneous)
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga komunikasyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
Manuskrito
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng tagapakinig.
Isinaulong Talumpati
3 Uri ng Talumpati ayon sa layunin
Talumpating nagbibigay ng impormasyon
Talumpating Panlibang
Talumpating Nanghihikayat
Layunin nito na ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Kailangan maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya napakahalagang gumamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaan. Makatutulong dito ang paggamit ng mga larawan, tsart, dayagram, at iba pa sa pagsasagawa ng ganitong uri ng talumpati.
Talumpating nagbibigay ng Impormasyon
Isang halimbawa ng Talumpating nagbibigay ng Impormasyon
ang State of the Nation Address (SONA).
Layunin nitong magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kailangang samahan ito ng mga birong nakakatawa na may kaugnayan sa paksa. Maaaring gamitin ang talumpating ito sa mga salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga organisasyon o samahan.
Talumpating Panlibang
Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. Ang mga halimbawa nito ay ang sermon na naririnig sa simbahan, talumpati sa kongreso, at paglilitis sa hukuman.
Talumpating Nanghihikayat