Filipino Lesson 1 - 3 Flashcards
Pagsasalin sa papel o sa anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
Pagsulat
Ang pagsulat ay kapwa ______ at ______ na aktibiti na ginawa para sa iba’t ibang layunin.
pisikal: ginagamit ang kamay at mata
mental: hindi maaring hindi gamitin ang utak sa pagsulat
Ano ang apat na makrong kasanayang pangwika?
Pakikinig, Pagsasalita, Pagbabasa, Pagsulat
Ayon kay ________:
“Ang pagsulat ay isang KOMPREHENSIBONG kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at ibap ang mga elemento.”
Xing at Jin (1989)
Ayon kay ________:
“Ang pagsulat ay isang BIYAYA, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.”
Keller (1985)
Ayon kay ________:
“Ang pagsulat ay EKSTENSYON ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa”
Peck at Buckingham
Ayon kay ________:
“Ang kakayahan sa pagsulat nang MABISA ay isang bigay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Badayos (2000)
Ayon kay ________:
“Ang pagsulat ay isang EKSPLORASYON-pagtuklas sa kahulugan, porma at ang manunulat ay nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan…”
Donald Murray
Ang _________ at pagsulat ay kakambal ng utak.
pag-iisip
Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral.
Akademikong Pagsulat
Gayundin naman ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang ____________.
Kalidad ng pag-iisip
Anomang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa pangangailangan sa pag-aaral.
- Isinasagawa sa akademikong institusyon kung saan kailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
Akademikong Pagsulat
Nakadepende sa _____________ ng isang indibidwal ang pagbuo ng akademikong pagsulat (Arrogante et al. 2007)
kritikal na pagbasa
Gingamit ang akademikong pagsulat para sa __________ binabasa ng mga guro at mananaliksik.
publikasyong
Ang akademikong pagsulat ay anomang akdang tuluyan o (a) _____ na nasa uring (b) _______ o ________ at ginagawa upang magpahayag ng impormasyon tungkol sa isang paksa.
a. prosa
b. ekspositori o argumentatibo
Ano ang apat (4) na inaasahan sa akademikong pagsulat?
pormal, impoersonal, tumpak, obhetibo
PITO
Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman na ipinahahayag sa 3 paraan: _______________
pagsulat, limbag, elektroniko
Ano ang 2 yugto ng pagsulat?
- Pangkognitibo
- Proseso ng PAGSULAT
Ano ang 4 layunin sa pagsulat?
Impormatibo na Pagsulat
Mapanghikayat na Pagsulat
Malikhaing Pagsulat
Pansariling Pagpapahayag
3 Dapat isaalang-alang sa akademikong sulatin:
Paksa, Layunin, Kahalagahan ng partikular na akademikong artikulo
Pagsusuri sa akademikong artikulo
- Paggamit sa antas ng wika (pormat at di-pormal/kombinasyon)
- Pagkakaiba sa layunin ng mga awtor
- Paraan ng Pananaliksik
Nagbibigay linaw o NAGPAPALIWANAG hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o anomang paksa na nararapat alisan ng pag-aalinlangan
Paglalahad (Ekspositori)
Bumubuo ng isang IMAHE sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katangian nito.
Paglalarawan (Deksriptib)
Nagkukwento ng mga MAGKAUGNAY na pangyayari.
Pagsasalaysay (Naratib)