Filipino Tungkulin ng Komunikasyon Flashcards
Ang katangian ng tungkuling ito ang
makakapagpanatili o makapagpapatatag ng
relasyong sosyal.
PANG-INTERAKSYONAL
ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa
mga pangangailangan gaya ng pakikitungo sa
tao, pangangalakal at pag-uutos.
PANG-INSTRUMENTAL
Sa tungkuling ito ginagabayan at kinokontrol
nito ang kilos o asal ng tao. Makikita ito sa
mga direksyon, panuto at mgapaalala o babala.
PANREGULATORI
Ito ay nagpapahayag ng sariling damdamin o opinion
tulad ng editoryal. Ginagamit din ito sa pormal at
di-pormal na talakayan. Bahagi nito ang pagbulalas ng
damdamin gaya ng pagkagulat, pagkagalit, hinanakit at
tuwa. Maging ang pagmumura at mga ekspresyong
naibubulaslas nang biglaan ay saklaw rin ng tungkuling
ito
PAMPERSONAL
Sa tungkuling ito ng wika ay ginagamit sa pagpapahayag
samalikhaing paraan. Tungkulin ito ng wika na ginagamit
upang hikayatin ang mambabasa o tagapakinig na
mapagana ang imahinasyon o kaya unawain o
bigyang-hugissaisipan.
PANG-IMAHINASYON
Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
PANGHEURISTIKO
Nagbibigay ng impormasyon o datos.
PANG-IMPORMATIBO