Q2: Pil Lar Lakbay Sanaysay & Liham Flashcards
- paglipat sa isang lugar, bayan o bansa mula sa pinanggalingan nito.
PAGLALAKBAY
isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Hindi ito parang diary. Nagbibigay ng malalim na pagkaunawa tungkol dito
SANAYSAY
- isang uri ng sanaysay na karaniwang nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may-akda na kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay.
LAKBAY SANAYSAY
- isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay.
LAKBAY SANAYSAY
4 Nilalaman ng Lakbay Sanaysay
Pangyayari
Taong nakasalamuha
Pagkain
Di malilimutang karanasan
T or F. Dapat iwasan ang paghahambing sa lugar na pinanggalingan at lugar na pupuntahan
F
Tungkol saan ang lakbay sanaysay
tungkol sa lugar na pinuntahan
tungkol sa ibang tao
tungkol sa sarili
Layunin ng isang lakbay sanaysay
1.Makilala ang lugar na napuntahan
2.Matukoy ang heograpiya
3.Magbukas ng industriya ng turismo sa lugar na itinampok
4.Maging reperensya
5.Mapahalagahan ang kalikasang kaloob ng Maykapal
Hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
- Gumamit ng unang panauhang punto de bista
- Huwag limitahan sa paglalarawan
- Hatakin ang atensyon ng mambabasa
- Iwasan ang cliché o gasgas na paglalarawan
- Magsaliksik kaugnay sa lugar na pupuntahan.
- Alamin ang layunin ng paglalakbay at pagsulat.
- Magtala ng mahahalagang impormasyon habang naglalakbay.
- Kumuha ng mga larawan habang naglalakbay.
- Isang dokumentong kinakailangan para makapagtrabaho para sa isang trabaho at unang ugnayan sa posibleng employer o kanilang kinakatawan.
RESUMÉ AT LIHAM APLIKASYON
isang dokumentong maikli at direktang naglalahad ng impormasyon tungkol sa taong pinatutungkulan nito.
RESUMÉ
- Ang impormasyon sa resume ay kadalasang isinusulat o itinatala nang _________ upang ito ay madaling
naka-bulleted list
mahahalagang impormasyon na nilalaman ng resume:
● buong pangalan
● numero na kokontakin at email address
● mga karanasan sa trabaho (kung mayroon man)
● antas ng edukasyong natapos
●mga kakayahang may kaugnayan sa posisyong inaaplayan
● wikang ginagamit at mga kasanayan
●listahan ng mga sertipikasyon ng mga dinaluhang palihan o seminar
● iba pang interes o natatanging kakayahan
MGA URI NG RESUME
- Chronological Resume
- Functional Resume
- Combination Resume
naglalaman ng impormasyon tungkol sa karanasan ang pangunahing seksyon
Chronological resume
resume format that lists your work history in reverse chronological order, starting with your most recent job listed at the top and each previous position in descending order.
Chronological Resume
Mas binibigyang-pokus nito ang paglalahad ng kasanayan, at kakayahan kaysa sa chronological resume.
Functional resume
focuses more on your professional skills rather than each job you held and when you held that job. groups your experience under skill categories instead of job titles.
Functional Resume
Ang pormat na ito ng resume binibigyan ng pokus ang karanasan at kakayahan.
Combination Resume
Hybrid resume - binibigyan ng sapat na emphasis sa kasanayan at karanasan.
Combination Resume
HAKBANG SA PAGSULAT NG RESUMÉ
*Iwasan ang pagsulat ng generikong resumé
*Maaaring sundan ang ilang balangkas sa pagsulat ng resumé
*Gumamit ng heading, bullet form at puting espasyo
*Iwasan ang pagsisinungaling, pagyayabang at pambobola
*Kailangan ang mesahe ay “makakatulong ako sa inyo”
- uri ng pormal na liham na ipinadadala ng sinomang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan.
LIHAM APLIKASYON
Ang dokumentong ito ay idinisenyo upang suportahan ang iyong mensahe na mapili para sa posisyon.
LIHAM APLIKASYON
Mga bahagi ng Liham aplikasyon
Petsa
Patunguhan
Bating panimula
Katawan
Pagsasara
Lagda
HAKBANG SA PAGSULAT NG LIHAM APLIKASYON
*Gumamit ng standard na anyo ng liham aplikasyon
*Gumamit ng pormal na lenggwahe at tono
*Gawing maikli at malaman
*Sa pagkatapos ng liham aplikasyon, hilingin na makapanayam
talaan ng mga paksang tatalakayin, sang-ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang pormal na pagpupulong.
agenda
isa sa mga akademikong sulatin na dapat matutuhan ng isang mahusay na tagapag-ugnay.
agenda
Katangian ng Epektibong Agenda
- Organisado
- May kalinawan
- Pormal at Kompleto
Anong katangian ng Epektibong Agenda: Karaniwang umiikot sa detalye, layunin, at paksa ng pagpupulong ang balangkas na dapat maging laman ng iyong sulating-agenda
Organisado
Anong katangian ng Epektibong Agenda: Tiyaking may kaugnayan sa isa’t isa ang paksa ng pulong na ilalakip sa agenda
May kalinawan
Anong katangian ng Epektibong Agenda: Inilalahad ang paksang tatalakayin, oras at petsa ng pulong, kalahok sa pulong, tagapag-ugnay, lugar na pagdarausan ng pulong, kagamitang dadalhin sa pulong, at kasuotan.
May kalinawan
Anong katangian ng Epektibong Agenda: Mahalagang kompleto at tiyak ang mga detalyeng inilalakip dito
Pormal at Kompleto
Karaniwan itong isinasama sa isang memo na ipahahatid sa mga taong sangkot sa isasagawang pagpupulong.
Agenda
Tatlong Pangunahing Bahagi ng Agenda
- Detalye ng Pagpupulong
- Layunin ng Pagpupulong
- Mga Paksang Tatalakayin
Ang talakayan sa mga pulong ay binubuod sa pamamagitan ng pagsulat ng dokumento na tinatawag na
katitikan (minutes) ng pulong
saan galing ang agenda o sino ang nagpadala
Pamuhatan
Ang paggawa ng isang katitikan ng pulong ay gumagamit ng dalawang kasanayan.
- Pagsusulat/pagtatala
- Pakikinig
Ang isang katitikan ng pulong ay karaniwang patalata ngunit may mga organisasyon na __________
patalahanayan (tabular)
Mga Bahagi ng Katitikan ng Pulong
- Pamulaan o Heading
- Mga kalahok o dumalo
- Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
- Usaping napagkasunduan o Action items
- Pagbalita o pagtalastas
- Iskedyul ng susunod na pulong
- Pagtatapos
- Lagda
isang sulatin o kasulatan ng mungkahing plano ng mga gawaing nakaugnay sa pagsasakatuparan ng isang tinatanaw na proyektong nagtataglay ng tiyak na layon at umaasa ng suporta sa mga kinauukulan.
Ang panukalang proyekto
Gawing ______ at ________ ang panukalang proyekto at itanghal ang mga pakinabang na makukuha.
makatotohanan; makatuwiran
Layunin ng Panukalang proyekto
- Magabayan ang buong pagpapatupad ng proyekto
- Makapangalap ng pondo
- Makapanghikayat ng kalahok
- Marating ang pampublikong sektor
- Matagubilinan ang pagtatasa
Mga Bahagi ng isang Panukalang Proyekto
- Pamagat
- Proponent ng Proyekto
- Kategorya ng Proyekto
- Petsa
- Rasyonal
- Deskripsyon ng Proyekto
- Badget
- Pakinabang
tiyaking malinaw at maikli ang _____ ng Panukalang Proyekto
pamagat
tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
Proponent ng Proyekto
ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program
Kategorya ng Proyekto
kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto
Petsa
ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito
Rasyonal
isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais matamo ng panukalang proyekto.
Deskripsyon ng Proyekto
itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto
Badget
ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan
Pakinabang
Sa panukalang proyekto, kailangan linawin ang mga bagay na dapat gawin ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod. Ito ay tinatawag na
Action Plan