DALFIL: Aralin 3 Flashcards
Salita ng taon noong 2004.
CANVASS
Sa taong ito ng sawikaan, marami sa mga salitang naitampok ay luma na dahil isinaalang-alang ang mga salitang matagal-tagal na ring tinangkilik upang mapag-usapan sa isang venue gaya ng Sawikaan.
2004
Ang salitang “__________” na isang napapanahong salita dahil sa katatapos na eleksiyon.
canvass
Pinakamahalagang pangyayari sa taóng 2004
pambansang halalan
Sa tuwing sasapit ang halalan, mainit na isyu ang dayaan, maaaring sa pamamagitan ng:
- Flying Voter
- Ghost Voter
- Vote Buying
- Dagdag-bawas
Ang halalang _______ ay isa sa pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng Pilipinas dahil tinálo ni _________________ si Fernando Poe Jr. nang halos isang milyong boto lamang.
2004 ; Gloria Macapagal-Arroyo ; si Fernando Poe Jr.
Ilang milyong boto ang naipanalo ni Gloria Macapagal-Arroyo laban kay Fernando Poe Jr.?
Halos isang milyong boto lamang
Pagkaraan ng sumunod na taon lumitaw ang isang eskandalong _________ ni Gloria at isang opisyal ng COMELEC
“Hello Garci”
Sila ang sangkot sa eskandalong “Hello Garci”
Gloria Macapagal-Arroyo at Virgilio Garcillano
Dalawang salita na naging nominado sa Sawikaan kaugnay ng mainit na eleksiyon noong 2004.
- Canvass
- Dagdag-bawas
Tatlong pakahulugan ng “canvass” ayon kay David:
- ay telang ginagamit sa pagpipinta o trapal na pantapal;
- ang pangangalap ng pinakamahusay sa kalidad ng isang produkto o serbisyo sa mababang presyo;
- ay may kaugnayan sa politika, isang mapagpabagong gawain sa eleksiyon na nangangailangan ng isang masusing pagkilates ng mga dokumentong naglalaman ng resulta.
Bakit ‘mapagpabago’ ang paglalarawan ni David sa salitang canvass?
Mapagpabago dahil nakasalalay sa masusing inspeksiyon at pagbibilang ng sagradong boto ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.
Ayon sa kaniya, “dahil sa canvassing, maaari kang manalo sa botohan at matalo sa canvassing… Mayroon tayong presidenteng nailusot sa mga butas ng magaspang na canvas(s).”
David
Mga iba pang nominado sa salita ng taon noong 2004:
- Ukay-Ukay (2nd, Delfin Tolentino)
- Tsika (3rd)
- Tsugi (4th)
- Dagdag- Bawas
- Dating
- Fashionista
- Jologs
- Kinse Anyos (Teo Antonio)
- Otso-otso (Rene Villanueva)
- Salbakuta (Abdon Balde Jr.)
- Tapsilog (Ruby Alcantara)
- Terorista at Terorismo (Leuterio C. Nicolas)
- Text (Sarah Reymundo).
Siya ang nag nomina sa salitang UKAY-UKAY
Delfin Tolentino, Jr.
Mga segunda manong damit na ibinenta sa murang halaga.
UKAY-UKAY
Noong 1960, ito ay nauso sa Baguio at Cebu.
UKAY-UKAY
Nakolekta ng mga pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
UKAY-UKAY
Naging mas sikat ang ukay-ukay sa _______ dahil sa mga sidewalk na nagbebenta sa baratilyong presyo.
Baguio
Ano ang haka ng iba patungkol sa ukay-ukay?
may sakit ang dating nagsusuot ng damit
Mula sa _______ ang ukay-ukay na ibig sabihin ay _______________________, _________________
Bisaya ; maghalungkat ng damit na nakatumpok sa mesa, nakatambak sa kahon o sa sako.
True or False
Katumbas ng ukay-ukay ang archive katulad ng mga lumang pelikula, mga murang dot com, murang halaga ng Microsoft OS, ukay sa mga posisyon sa kongreso maging pamumulot ng pagkain sa mga basurahan sa Mcdo, Jollibee atbpa.
TRUE
Maiuugnay ang __________ sa ugali ng mga Pilipino na umaasa sa suwerte, sa hulog ng langit, sa mga nakaipit na dolyar o alahas sa mabibili nilang damit kaya todo hukay.
UKAY-UKAY
Anong abilidad ng mga Pilipino ang makikita sa ukay-ukay?
MADISKARTE
Sa Espanyol, munti o maliit ang ibig sabihin ng ________
chica
Siya ang nag nomina sa salitang TSIKA.
Rene Boy Facunla
Tumutukoy rin ito sa batang munti.
chica
Puwede rin itong term of endearment sa mga matalik na kaibigan o pagbati o pangungumusta sa oras ng personal na pagkikita.
chica
Sa ekspresyong ito nagmula ang pakahulugan ng mga Pilipino sa salitang tsika.
chica
Dahil mahusay ang mga Pilipino na magpalawig ng mga bagay-bagay, ano ang kanilang napalawak?
napapalawak nila ang sakop ng mga kahulugan.
Sa ngayon, ito ay maaari mangahulugang hindi pagseseryoso sa inaatas na mahalagang gawain.
tsika
Lilitaw rin dito ang kahulugan ng pagiging bolero, nagbibiro, tuwing gustong pawalan ng bisa ang isang nabanggit na pahayag.
tsika
Unang lumitaw ang salitang “______” noong kalagitnaan ng dekada otsenta.
tsika
Kailan unang lumitaw ang salitang “tsika”?
Dekada Otsenta
Noon, ______ lamang ang ibig sabihin ng tsika.
Kuwentuhan
Ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng Pilipino sa pagbuo ng bagong bokabularyo.
tsika
Salita ng taon na ninomina ni Rolando Tolentino.
TSUGI
Talunan o pagkatalo, pagkasibak o pagkaligwak.
TSUGI
Ito ay paglitaw at paglaho sa eyre.
TSUGI
Ito ay kawalang kakayahang sumabay sa pamantayang nilikha sa lipunan.
TSUGI