DALFIL 313: Aralin 2 Flashcards
Ito ay salitang bagong likha na nilapian ng sa-+ at +-an na nagpapahayag ng “sa pamamagitan ng”.
Sawikaan
Ito ay nangangahulugang pagbabanyuhay ng salita sa pamamagitan ng wika.
Sawikaan
Anong taon nagsimula ang sawikaan?
2004
Bago naging kumperensyang pangwika ang sawikan, ito ay isang _______ _________ noon.
timpalak pangwika
Ito ay kumperensyang pangwika.
Sawikaan
Sino ang orihinal na may ideya sa sawikaan?
Perfecto T. Martin
Si Perfecto T. Martin na kasapi ng Filipinas Institute of Translation (FIT) ang orihinal na may ideya ng sawikaan bilang ____________.
makabago at kakaibang pagdiriwang ng Buwan ng Wika
Saang hingil ang ulat na nabasa ni Perfecto T. Martin na naging dahilan upang magkaroon siya ng ideya na imungkahi ang sawikaan sa FIT?
Word of the Year (WOTY) ng American Dialect Society (ADS)
Makatutulong ito upang paunlarin ang wika. Itinaon ito sa Buwan ng Wikang Pambansa na tinawag nilang “SALITA NG TAON” (SNT).
Sawikaan
Ito ay isang makabago at kakaibang paraan ng pagdiriwang ng BWP na kakaiba sa tradisyunal na sayawan, kantahan, balagtasan, sabayang pagbigkas, talumpati at iba pa.
Sawikaan
Anong buwan itinatakda ang sawikaan?
Agosto
Sino ang nagpangalan ng “Sawikaan: Salita ng Taon” na naging opisyal ng pangalan ng patimpalak?
Virgilio S. Almario (RIo Alma)
Ito ay isang masinsinang talakayan sa pagpili ng pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanang Pilipino sa mga nakalipas na taon.
Sawikaan
Ang sawikaan naglalayong suriin ang mahalaga at natatanging ambag ng mga nagwaging salita sa diskursong Pilipino, partikular na sa usapin ng ___________ at __________.
ugnayan ng wika
kulturang popular
TAMA O MALI:
Nagsimula ang Sawikaan upang subaybayan ang pag-unlad ng wikang Filipino batay sa umiiral na gamit ng mga salita sa diskurso ng lipunan.
TAMA