DALFIL 313: Aralin 4 Flashcards
Anong salita ang nanalo sa sawikaan 2010?
Jejemon
Itong salita ng taon na ito ay mas mabigat kaysa sa lobat at miskol.
Jejemon
Ito ay bagong likhang salita na kumatawan sa isang umuusbong na uri ng kulturang nabuo dahil sa epekto ng teknolohiya ng cell phone.
Jejemon
Sawikaan 2010: Jejemon ni __________.
Roland Tolentino
Tinitingnan ito ni Tolentino bilang isang repleksiyon ng umiiral na kalagayang politikal at ekonomiko ng isang subkultura sa lipunan.
Jejemon
Nabuo ang isang grupo galing sa isa pang grupo o kultura. Anong ang tawag d2?
Subkultura
Ayon kay Tolentino, ang jejemon ay isang ________________ sapagkat umiinog ang mundo sa ekonomiyang kapasidad na makabili ng load at makapag text, at makaipon ng pera para makapag-Internet at Facebook.
asersiyon ng politikal na identidad
Ano ang tawag sa mga taong nakasasabay sa mga kinikilalang pamantayan sa lipunan? huh
gitnang-uri
Sila iyong mga kinikilalang hindi katanggap tanggap.
Jejemon
Sino ang mga nakikipaglaban sa kumbensiyon upang maiangat ang sarili?
mga jejemon
Sino ang mga nagpapanatili ng dekorum at nilalabanan ang Jejemon?
mga jejebuster at grammar nazi
TAMA O MALI:
Karamihan ng mga sinasabing nabibilang sa “Jejemon” ay mga matatanda, isang malaking hamon ito sa mismong sistemang pang-edukasyon ng bansa.
MALI
Bakit ipinagbawal ang paggamit ng cell phone sa loob ng paaralan sa mga bansang US at England?
dahil sa pagbagsak ng mga mag-aaral sa kanilang marka sa spelling at achievement test
TAMA O MALI:
Ang isang hindi Jejemon ay hindi namamalayang nagiging Jejemon sa simpleng text na, “Musta na u? D2 na me”.
TAMA
Anong mga salita pa ang mga naging nominado sa taong 2010?
Ondoy, korkor, Tarpo, Ampatuan, Emo, Load,
Namumutbol, Sold, Spam, Unli
Anong taon nanalo ang salitang wangwang bilang salita ng taon?
2012
Ito ay ginamit bilang pagtuligsa sa mga pangako ni P-Noy na mas maunlad, ligtas, at matuwid na lipunang Filipino.
Wangwang
Sawikaan 2012: Wangwang ni __________.
David Michael San Juan
Ito ay kinilalang emblematikong representasyon ng administrasyong Aquino at maituturing na islogan ng estilo ng pamamalakad ng Pangulo.
Wangwang
Ginamit ito ni P-Noy bilang sagisag ng tiwali, abusado, at korap na pinunò ng pamahalaan at sa kanilang gawi ng pagmamalabis sa paggamit ng awtoridad at pribilehiyo bilang opisyal.
Wangwang
Ang wangwang ay ginamit ni P-Noy bilang sagisag sa “______________” na kontra katiwalian.
matuwid na daan
Sa diskurso ni San juan, ano ang wangwang?
panawagan sa pagbabago
TAMA O MALI:
Maraming hindi tumuligsa sa pagkakapanalo sa wangwang bilang Salita ng Taon dahil lipás na ito na ginamit sa talumpati ni P-Noy noong 2011.
MALI
Sa mga “makakaliwa” ang wangwang ay “____________” na gaya ng ingay na nalilikha nito.
hungkag at walang lamán
Sa pangwakas ni San Juan: “ililigtas tayo ng salitang wangwang sa luma nating sakit. Ano ang lumang sakit nating mga pilipino na tinutukoy ni San juan?
ang pagsasawalambahala sa mga usaping pambayan at ang pagkalimot sa ating mga tungkulin bilang Filipino
Ano pang mga salita ang mga naging nominado sa taong 2012?
Level Up, Dagdag, Android, Fishkill, Pik-ap, Impeachment, Dalusot, Trending, Wagas, at Wifi
Anong salita ang nanalo bilang salita ng taon sa taong 2014?
Selfie
Ito ay ang pagkuha ng sariling larawan gamit ang smart phone o webcam at agarang pagpapaskil sa social media.
Selfie