Kompan (LG4) Flashcards
4 kahalagahan ng wika
- Instrumento ng Komunikasyon
- Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
- Nagbubuklod ng Bansa
- Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
- Instrumento ng Komunikasyon
Ang wika, pasalita man o pasulat, ay ang pinakamahalagang anyo ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng tao
- Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
Maraming kaalaman na maaaring ilipat sa ibang mga angkan o lahi at maaaring makinabang dahil sa wika. Halimbawa, maraming beses nang naisulat ang mga nobela ni Rizal.
- Nagbubuklod ng Bansa
Lubhang napakahalaga ng wika sa isang nasyon. Ito ang pagkakakilanlan ng bansa. Maraming pagsasanggalang sa bansa ang naganap dahil sa pagkakaisa ng mga tao matamo lamang ang kalayaan dahil sa madaling komunikasyon.
- Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya, Sa pagkadalisay at pagkadakila, Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa “ mula kay Gat Andres Bonifacio na nakakaantig ng damdamin bilang isang Pilipino. Winika rin ito sa pelikula tungkol sa kanyang buhay.
PITONG TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA
- INTERAKSYONAL
- INSTRUMENTAL
- REGULATORI
- PERSONAL
- IMAHINATIBO
- HEURISTIK
- IMPORMATIBO
- INTERAKSYONAL
Ito ay tumutukoy sa papel na ginagampanan ng wika na ginagamit ng mga tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng mga panlipunang relasyon sa iba
- INSTRUMENTAL
Napakahalaga ng papel ng wikang ginamit sa pagtugon. Maaaring gamitin ito para humiling o magbigay ng utos.
- REGULATORI
Ang papel ng wikang ginagamit sa kontrol ay normatibo o idirekta ang mga aksyon o pag-uugali ng iba. Sinasabi nito kung ano ang dapat gawin at kung ano ang hindi dapat gawin.
- PERSONAL
Ito ay ginagamit upang tumukoy sa mga salitang nagmumungkahi o nagpapahayag ng opinyon. Ito ay ginagamit sa pormal o impormal na mga talakayan.
- IMAHINATIBO
Ang papel ng malikhaing wika sa pagpapahayag ng mga ideya. matutukoy ito gamit ang mga idyoma, metapora, palatandaan at simbolo.
- HEURISTIK
Ang tungkulin ng wikang maghanap o humiling ng impormasyon tulad ng pagtatanong ,pagsarbey ,pakikipanayan o pananaliksik.
- IMPORMATIBO
Ito ay ginagamit upang ihatid ang impormasyon sa paraang nagbibigay-kaalaman