AP Acronyms Flashcards
Only answer the ACRONYMS, for example: PCG, no need for the whole word.
Responsable sa pagtitiyak ng proteksyon at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna, kalamidad at krisis.
NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council)
Nagbibigay ng real-time sabay sa kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon o bagyo
PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
Ahensyang inaatasang paliitin ang epekto ng sakunang dulot ng pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang heotektonikong phenomenon.
PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology)
Ay nagbibigay ng mga update sa lagay ng sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa tulad ng mga biyahe sa himpapawid, karagatan, at kalupaan, lalo na sa mga panahon ng kalamidad.
DOTr (Department of Transportation)
Ahensya sa ilalim ng DOTr na inatasang magpatupad ng mga patakaran ukol sa civil aviation o pagpapalipad ng mga sibilyan ng sasakyang himpapawid
CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines)
Ay isang ahensya na nagpapatupad ng kaligtasang pandagat.
PCG (Philippine Coast Guard)
Naglalabas ng mga update sa mga lugar na apektado sa natural na kalamidad.
PIA (Philippine Information Agency)
Tumitiyak sa pagbabahagi ng ligtas at maaasahang elektrisidad sa kapuluan ng Pilipinas.
NGCP (National Grid Corporation of the Philippines)
Nagbibigay ng sabay sa panahong ulat sa lagay ng kalsada sa Metro Manila at tumutulong din sa pagkontrol ng mga baha rito.
MMDA (Metropolitan Manila Development Authority)
Responsable sa paghahatid ng serbisyong panlipunan at pangangalaga ng Karapatan ng mga mamamayang Pilipino.
DSWD (Department of Social Welfare and Development)
Nagbibigay update sa mga anunsyo mula sa local na gobyerno tungkol sa pagsususpinde ng klase sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa panahon ng trahedya o panganib.
DepED (Department of Education)