13. PagPag Flashcards
Ayon sa kanya ang dahilan kung bakit hindi gaanong nakapagbabasa ng tekstong impormatibo ang mag-aaral ay dahil limitado ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran.
Duke 2000
ayon kay ____ kung mabibigyan ng pagkakataong makapamili ng aklat ang mga mag-aaral sa unang baitang, mas pipiliin nila ang aklat na di piksiyon kaysa piksiyon.
Mohr 2006
● Humigit-kumulang ______ sa mga mag-aaral ang pumili ng aklat na di piksiyon.
85%
- Babasahing di piksiyon.
- Naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.
Tekstong impormatibo
ang impormasyon sa tekstong impormatibo ay nakabase sa opinyon ng may akda (t or m)
mali
- Karaniwang may ___________ tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito.
malawak na kaalaman
ano ang laging na dadagdag ng tekstong impormatibo?
bagong kaalaman, o makapagpayaman ng dating kaalaman
maaaring mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, magsaliksik, at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at ibang pang nabubuhay, at iba pa.
layunin ng may akda
inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa; nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi, tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
pangunahing ideya
paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatutulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
pantulong na kaisipan
a. Paggamit ng nakalarawang representasyon: larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time line, at iba pa.
b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto: pagsulat nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi.
c. Pagsulat ng mga talasanggunian: sangguniang ginamit.
mga kagamitan o sanggunian na magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin
inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon; maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat o direktang nasaksihan; karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon.
paglahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan
mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid; nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
paguulat pang impormasyon
nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari; layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan; larawan, dayagram, flowchart na may may kasamang mga paliwanag.
pagpapaliwanag
_________ ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
subhetibo
___________ kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.
obhetibo
- Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
tekstong deskriptibo
- Mga _____ at __________ ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
pang-uri at pang-abay
Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
reperensiya
kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy.
anapora
kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.
katapora
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
substitusyon
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
ellipsis
Nagagamit sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
pang ugnay
– Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
kohesiyong leksikal
kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
repetisyon
ay mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
kolokasyon
Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto
- Paglalarawan sa Tauhan
- Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
- Paglalarawan sa Tagpuan
- Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay