Unemployment, Employed, Underemployed Flashcards
Isa sa mga kondisyong pang-ekonomiyang bunga ng kawalan ng mga oportunidad o pagkakataong makahanap ng trabahong ayon sa kakayahan ng manggagawa at sa kailangan ng mga may negosyo
Unemployment
Isa sa mga yaman ng isang bansa na tumutugon sa pagbuo, paggawa, at pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa o sa mga bansang nangangailangan ng empleyo
Yamang-tao
Ang bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may trabaho o empleyong full-time, part-time, o naghahanap ng mapapasukang trabaho
Lakas-paggawa (labor force)
Nagtatrabaho ng 8 oras o higit pa at nabibigyan ng benepisyo ng kanyang pinaglilingkurang kompanya
Full-time
Nagtatrabaho ng 4 oras pababa at hindi nakakakuha ng benepisyong natatanggap ng full-time na manggagawa
Part-time
Ang tawag sa bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may kakayahan sumali sa gawain ng ekonomiya
Labor participation rate
Mga nagnanais na magkaroon pa ng karagdagang oras sa kanilang kasalukuyang trabaho, o magkaroon pa ng karagdagang pagkakakitaan o bagong trabaho na may mahabang oras
Underemployment
Ang panimulang sahod na dapat tanggapin ng isang manggagawa
Minimum wage
Ito ay nakakalkula sa pamamagitan ng paghahati ng bilang ng mga mamamayang walang trabaho sa bilang ng mga mamamayan sa pwersang manggagawa o labor force
Unemployment rate
Ayon sa pag-aaral nila, ang Pilipinas ang may pinakamataas na unemployment rate sa Asya
Inernational Labour Organization (ILO)
Sa sarbey na ginawa nila noong taong 2014, 55% ng mga Pilipino ang naniniwalang lalong bumaba ang pambansang kalidad ng buhay sa nakaraang 12 buwan
Pulse Asia
Ang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo ng bansa
Gross Domestic Product (GDP)
Ayon sa kanila, patuloy na mas mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas kaysa sa ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya
United Nations (UN) at International Monetary Fund (IMF)
Sa ulat nila, sinabing ang pagsasalin ng paglago ng ekonomiya sa pagpaparami ng mga trabaho ang mahalagang hamon para sa Pilipinas
UN World Economic Situation and Prospects 2014
Ayon sa kanila, mayroong 63.1 milyong Pilipino ang may gulang 15 hanggang 64 pataas. Sila ang dapat bumuo sa populasyon ng mga nagtatrabaho o labor force
Philippine Statistics Authority (PSA)