Graft and Corruption Flashcards
Ang kawalan ng kalinisan, integridad at katapatan ng isang taong nanunungkulan
Corruption
Isang uri ng korapsyon kung saan ang isang politiko ay ginagamit ang kanyang awtoridad at kapangyarihan upang maisulong ang kanyang pang-sariling interes
Graft
Mga Uri o Pamamaraan ng Graft and Corruption:
Ito ang hindi matapat na pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
Tax Evasion
Isang pekeng proyektong pinopondohan gamit ang buwis ng taong-bayan
Ghost Projects
Pagdaragdag ng mga pekeng listahan ng mga empleyado ng isang ahensiya ng pambansang pamahalaan o lokal na pamahalaan
Ghost Employees
Isang paraan ng pagbibigay ng oportunidad at pribilehiyo sa mga kamag-anak o kapamilya at mga kaibigan lalo sa pamahalaan
Nepotismo
Ang sapilitang paghingi ng pera, mahalagang kagamitan o kayamanan o kaya naman serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan kapalit ang serbisyong sa ay ipinagkaloob ng libre
Paninikil o Extortion
Iba’t ibang uri ng korapsyon:
Ang hindi wasto o hindi matapat na paggamit ng kapangyarihan o pag abuso nito bilang isang opisyal ng gobyerno
Public corruption
Uri ng korupsyon na kinasasangkutan ng malalaming halaga ng salapi at matataas na opisyal ng pamahalaan
Grand corruption
Uri ng korapsyon na kinasasangkutan ng mas mababang halaga ng salapi at karaniwan ay bata o bagong opisyal ng gobyerno
Petty corruption
Uri ng korapsyon na may kinalaman sa pagbabalangkas ng batas, regulasyon at tuntunin sa isang institusyon na maaaring pumabor sa ilang tao o pangkat
Political corruption
Uri ng korapsyon na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga tuntunin sa mga sangay ng pamahalaan
Administrative corruption
Salitang latin kung saan nagmula ang Corruption
Corruptus
Salita kung saan nagmula ang Corruptus na nangangahulugang masira, mabulok o mabahiran ng dumi
Corrumpere
Batas kung saan ipinagbabawal ang Nepotismo
Batas Republika Blg. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees