Globalisasyon Flashcards
Ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya, ay pangkultural
Globalisasyon
Ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng China at ng iba’t ibang bansa na nakatulong din sa pagpapasimula ng globalisasyon sa kasaysayan
Silk Road
Siya ang nagdala ng kultura ng Ancient Greek sa Timog-Kanlurang Asya, North Africa, at Southern Europe
Alexander the Great
Isang pinagsamang kultura ng kanluran at silangan
Hellenistic
May pandaigdigang kapangyarihan ang korteng ito ngunit hindi pa ito kinikilala ng lahat ng mga bansa. Namamagitan ito sa mga isyu o kasong maaaring magdulot ng mga suliraning makaaapekto sa pandaigdigang relasyon o kalakalan
International Criminal Court
Isang pandaigdigang organisasyon na may tungkuling bumuo ng mga patakaran sa kalakalan sa pagitan ng bansa. Layunin nitong bumuo ng mga patakaran na magpapasigla at magsasaayos ng malayang kalakalan ng mga kasaping bansa
World Trade Organization (WTO)
Itinatag matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Layunin nitong tulungan ang mga papaunlad na bansa at itaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao.
World Bank
Layon ng organisasyong ito ay ang pagpapababa ng estado ng kahirapan sa iba’t ibang bahagi ng mundo
International Bank for Reconstruction and Development (IBRD) at International Development Association (IDA)
Nagpapautang upang mapanatili ng mga bansa ang halaga ng kanilang mga salapi at mabayaran ang kanilang mga utang panlabas
International Monetary Fund (IMF)