Reproductive Health Flashcards
Ito ay tumutukot sa pangkalahatang kalusugang pisikal, pang-kaisipan at panlipunan na may kinalaman sa reproductive system, paraan at proseso nito. Nakapaloob dito ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng nais niyang paraan ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa batas, ligtas at epektibo at abot kaya
Reproductive Health
Nagbibigay ng tungkulin sa pamahalaanh magtaguyod, magpalaganap at magbigay ng magaling at abot-kayang serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan, lalo na ang mga kababaihan, mahihirap at marginalized sectors at layuning mapababa ang populasyon ng bansa
Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354)
Isang batas na may layuning magbigay ng serbisyong pang-reproduksyon para sa lahat. Layunin nitong ipalaganap sa buong bansa ang mga paraan ng kontrasepsyon, edukasyong sexual at pangangalaga sa ina. Ipinatutupad nito ang family planning, para sa mag-asawa lalo na ang walang kakayahan sa buhay
Reproductive Health Law
The instruction of issues relating human sexuality, including emotional relations and responsibilities, human sexual anatomy, sexual activity, sexual reproduction, age of consent, reproductive health, reproductive rights, safe sex birth control and sexual abstinence
Sex Education
Ang pagtulong sa mag-asawa o indibidwal na makamit ang hustong bilang ng pamilya sa isang katangian ng pagiging responsableng magulang. Ito ay pag-aagwat ng pagbubuntis (3 taon ang pagitan) para sa kalusugan ng ina at kanyang anak at pag-iwas ng paglaki ng bilang ng mga ina o sanggol na namamatay
Family Planning
Ipinahayag nito ang suliranin sa paglaki ng populasyon ng bansa ay hadlang sa pangmatagalang kaunlaran ng ekonomiya
Declaration on Population
Itinatag ito upang ganyakin ang mga mamamayan na pigilin ang paglaki ng mga pamilya. Nagbigay ito ng impormasyon at serbisyo upang mapababa ang fertility rate ng mga mamamayan
Population Commission
Pinondohon nito ang 80% ng kabuuang suplay ng family planning contraceptives sa Pilipinas
US Agency for International Development (USAID)
Bumuo ang nasabing komiteng mga pampublikong patakaran at lehislasyon hingg sa pamamahala ng populasyon at kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya
Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD)
Inilunsad ng Department of Health na mamigay ng mga contraceptives na gawa sa ating bansa
Philippines Contraceptive Self-reliance Strategy
Ang pagkamatay sa pagpapalaglag at panganganak na isa sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng kababaihan na nasa edad ng panganganak o childbearing age
Maternal mortality
Tumutukoy sa kusang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Ito ay itinuturing na malaking kamalian sa Pilipinas dahil sa mga implikasyon nito sa batas, relihiyon, kultura, at lipunan
Abortion
Kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyong panlipunan. Dapat nitong pangalagaan kapwa ang buhay ng ina at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan mula sa paglilihi
Artikulo II Seksyon 12
Ang batas kung saan idineklarang krimen ang abortion. Ito ay nakapaloob din sa Revised Penal Code 1930, sa ilalim ng pananakop ng United States
Penal Code ng 1870
Sa ilalim nito, hindi makakasuhan ang isang inang nagpalaglag ng sanggol kung kinailangan ito upang siya ay mabuhay
Revised Penal Code