Kontemporaryong Isyu Flashcards
Naglalarawan sa panahon mula ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing naaalala pa ng mga tao sa ngayon
Kontemporaryong daigdig
Tumutukoy sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
Kontemporaryong kasaysayan
Nangangahulugan ng mga paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan
Isyu
Tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon
Kontemporaryong isyu
Mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito
Primaryang sanggunian
Mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o ibang sekundaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala
Sekundaryang sanggunian
Mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos
Katotohanan
Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan
Opinyon
Mahalagang sanggunian tungkol sa mga kontemporaryong isyu
Pahayagan
Sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan, kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan
Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
Isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay
Hinuha
Ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon
Paglalahat (generalization)
Ang desisyon, kaalaman, o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensya o kaalaman
Kongklusyon