Krimen Flashcards
Isang kilos na lumalabag sa Public Law o anumang batas na nagtatakda ng ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan
Krimen
Kabilang dito ang CONSTITUTIONAL LAW, TAX LAW, at CRIMINAL LAW. Ang isang krimen ay anumang kilos o di-pagkilos na lumalabag sa batas ng bansa ay may karampatang parusa
Public Law
7 Uri ng Krimen sa Pilipinas
- Petty Crime
- Organized Crime
- Violent Crime
- Korapsyon
- Political Violence
- Crime Against Morality
- White Collar Crime
Isang maliit na krimen na hindi gaanong malubha ngunit nakakapinsala sa tao at iba. Kadalasang hindi ginagamitan ng dahas ang pagsasagawa nito kaya ito’y itinuturing na mababang uri ng krimen ngunit talamak. (Snatching, Vandalism, Pagtatapon ng basura)
Petty crime
Isang uri ng krimen na kinasasangkutan ng organisadong pangkat na mas kilala sa Pilipinas na Sindikato. Ang ganitong uri ng krimen ay isa sa pinakamahirap puksain dahil may malaking impluwensya ito at maaaring may kakamping tagapagpatupad ng batas. (Smuggling, Trafficking, Kidnap for ransom)
Organized Crime
Isang uri ng krimen na may kategoryang marahas sa isang biktima. Maaaring gamitan ng pisikal o kagamitang makakasakit sa isang biktima. (Murder, Rape, Robbery)
Violent Crime
Ang kawalan ng integridad at katapatan sa panunungkulan. Isinasagawa ng taliwas sa kanilang katungkulan o posisyon sa isang kompanya at pamahalaan
Korapsyon
Isang krimen na marahas na isinasagawa dahil sa motibong pampolitika. Ang ganitong uri ng krimen ay tumataas ang kaso tuwing panahon ng halalan.
Political Violence
Krimeng hindi marahas, ngunit ipinagbabaw ng batas at may katampatang parusa dahil ito ay immoral. (Paggamit ng bawal na gamot, Adultery/Concubinage, Ilegal na pagsusugal, Krimen laban sa kalikasan)
Crime Against Morality
Krimen na isinasagawa kaugnay ng propesyonal na trabaho ng isang taong gumagawa. (Account padding, Tax Evasion)
White Collar Crime
2 Uri ng Karapatan ayon sa United Nations
- Karapatang Sibil at Politikal
* Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan, at Pangkultura
Likas na sa tao ang kanyang karapatan batay sa kanyang mga pangangailangan
Natural Rights
Pambansang batas; napag-usapan at napagdesisyunan ng lahat
Constitutional Rights
Karapatang naaayon sa sitwasyon ng lipunan
Statutory Rights
Magkaugnay, hindi mapaghihiwalay at hindi dapat ipagkait sapagkat ito ay kaakibat ng pagiging isang tao
Karapatang Pantao
10 Halimbawa ng Karapatang Pantao
- Karapatang Mabuhay
- Karapatan sa Malayang Pagpapahayag
- Karapatan sa Pagkain
- Karapatang Makapag-aral
- Karapatang Makapaghanapbuhay
- Karapatang Panlipunan o Karapatang Makisalamuha
- Karapatang Pangkultura
- Karapatan sa Makatwirang Paglilitis
- Karapatang Bumoto
- At Pagkapantay pantay sa Harap ng Batas
5 Anyo at Halimbawa ng Paglabag sa Karapatan
- Extrahudisyal na pagpatay, tortiyur at pagdukot
- Pag atake at pagpaslanh sa mga mamahayag
- Terorismo
- Etniko, Paghihimagsik at Digmaang Sibil
- Pisikal, Sikolohikal, at Sekswal na Pang-aabuso
Tumutukoy sa pisikal na pananakit. Dito nauuri ang Hazing, Torture o pambubugbog sa asawa o anak
Pisikal na Pang-aabuso
Maaaring nasa anyo ng pananakot o blackmail, paggawa ng mga bagay na nakakasakit ng damdamin o kaya pagsasalita ng nakakasakit sa kapwa
Sikolohikal na Pang-aabuso
Karaniwant tumutukoy sa panggagahasa o rape
Sekswal na Pang-aabuso