Konsepto ng Kasarian Flashcards
Tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksyon
Sex o seksuwalidad
Tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad. Ito ay mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinatakda ng lipunan para sa babae at lalaki
Gender o kasarian
Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal at sekswal sa isa pang indibidwal
Sexual orientation
Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak
Gender identity
Ang mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian na ang mga lalaki ay gustong makatalik ang mga babae at ang mga babae ay gusto ang mga lalaki
Heterosexual
Ang mga taong nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian
Homosexual
7 Uri ng Homosexual
- Lesbian
- Gay
- Bisexual
- Asexual
- Transgender
- Pansexual
- Intersex
Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae. Tinatawag sila bilang tibo o tomboy
Lesbian
Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. Tinatawag silang bakla, bading, binabae, beki at bayot
Gay
Mga taong nakararanas ng atraksyon sa kapwa babae o lalaki
Bisexual
Mga taong walang nararamdamang atraksiyong sekswal sa anumang kasarian
Asexual
Taong itinuturing ang kanyang sarili na kabaligtad ng kanyang kasarian. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may katauhan bilang ganito
Transgender
Tumutukoy sa pakiramdam na mayroong potensiyal para sa sekswal na atraksyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig. Ang mga taong nakararanas nito ay maaaring tukuyin sa katagang “bulag sa kasarian” na ang kasarian at sex ay hindi kaugnay sa pagtukoy kung naaakit sila sa iba sa sekswal na paraan
Pansexual
Kilala bilang HERMAPHODITISM, ito ay estado ng pinanganganak na may sexual na anatomy na hindi akma ang standard ng lalaki/babae
Intersex
Ang isang indibidwal ay may parehong parte ng lalaki at babae at maaaring umangkop o kumilos batay sa kanyang kagustuhan
HERMAPHODITISM