Political Dynasty Flashcards
Ang panunungkulan ng mga magkamag-anak sa politika. Sa ganitong sistema, ang kapangyarihan o karapatang mamuno ay umiikot lamang sa iisang pamilya
Political dynasty
Pamilya ng mga mestizo at maykaya sa buhay na laging itinatalaga bilang Gobernadorcillo o Alcalde
Illustrado
Demokratikong proseso kung saan sa panahong ito, ang mga apelyido o pangalan ng mga kilalang pamilya ay nagsimulang makilala
Philippine Bill of 1902
Pulitikong siyentistang nagsagawa ng pag-aaral na simula noong taong 1946 hanggang 1963 ay may kabuuang bilang na 169 na prominenteng pamilya ang nahalal sa mga mahahalagang posisyon sa pamahalaan
Dr. Dante Simbulan
Mga kauna-unahang kilalang pamilyang nasa politika
Trapo/ traditional politicians
Tumutukoy sa mga kamag-anak na opisyal tulad ng kanyang mga kapatid, direktang ninuno, anak, o apo kabilang na ang kanilang mga asawa
Second civil degree of consanguinity or affinity
Sistemang nilunsad upang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng boses sa kongreso ang mga grupong minorya
Party list
Nagsumite sa Korte Suprema ng petisyong naglalayong mag-utos sa kongreso na gumawa ng batas na magbabawal sa mga dinastiyang politikal at magbibigay-linaw sa tunay na kahulugan nito na naaayon sa ating Saligang Batas
Volunteers Against Crime and Corruption (VACC)
Ang intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kaniyang kawalan ng integridad o prinsipyo
Korupsiyon o corruption
Ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya, kuwestiyonable tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong hindi naman naibigay o kaya’y paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang pagkakakitaan
Graft
Ang indeks na ito ay inilalabas ng pandaigdigang organisasyong Transparency International
Corruption Perceptions Index (CPI)
Nagpapahayag ng pananaw tungkol sa korupsiyon sa pampublikong sektor ng isang bansa gamit ang eskalang 0-10
CPI score
Sobrang bagal na proseso ng pakikipag-transaksiyon sa pamahalaan
Red tape
Isinaad dito ang mithiing magkaroon ng mapayapa at maunlad na bansa sa pamamagitan ng mabuting halimbawa ng mga pinuno ng pamahalaan at pagtataguyod ng pamahalaan ng makatarungan, tapat, at may integridad
Executive Order No. 43