Kalamidad, Ahensya Ng Pamahalaan Flashcards
Itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at buhay ng mga tao sa lipunan
Kalamidad
Ito ay sinasabing isang kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko. Ang mga bansang apektado nito ay nakararanas ng matinding tagtuyot
El Niño
Kung saan nagkakaroon ng matagal na tag-ulan na nagiging sanhi ng pagbaha
La Niña
Biglaang pagbaha na dala ng mga matinding pagbagyo
Flash flood
Pagguho ng lupa na nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa
Landslide
Ang DENR ay nagpagawa nito upang matukoy ang mga lugar na madaling tamaan ng mga sakuna o kalamidad
Geohazard mapping
Sa mapang ito, ipinakikita ang mga lugar kung saan maaaring magbaha kapag matindi ang pag-ulan. Ito ay nagmula sa NDRRMC
Geohazard map
Ang pinakananganganib na lugar sa pagkakaroon ng volcanic eruption
Camiguin at Sulu
Pangunahing lugar na maaaring makaranas ng tsunami dahil malapit ang mga lugar na ito sa Sulu Trench at Cotabato Trench
Sulu at Tawi-tawi
Naglalayong mapigil ang nakapipinsalang epekto ng mga kalamidad
Disaster Risk Mitigation
Itinatag bilang ahensiyang mamumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng bansa
National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Ito ang namamahala sa mga programa ng pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan lalo na sa mahihirap
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Ito ang namamahala sa mga yunit na lokal ng pamahalaan tulad ng mga barangay, bayan, lungsod, o lalawigan
Department of Interior and Local Government (DILG)
Nilikha upang mabigyan ng tuwirang serbisyo ang mga mamamayan sa Metro Manila o NCR
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Ito ay namamahala sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapaunlad ng batayang edukasyon sa ating bansa
Department of Education (DepEd)