Module 8: Ang Pananaliksik Flashcards
Isang maingat at sistematikong pag-aaral at pagsisiyasat sa ilang larangan ng kaalaman na isinasagawa upang tangkaing mapagtibay o mapasubalian ang katotohanan o katwiran.
- Ang pananaliksik
Ang salitang Ingles na “research” ay mula sa panlaping “re” na nangangahulugang “___” at “search” na ang ibig sabihin naman ay “_____”, “_____”, at “______”.
- muli, paghahanap, pagtuklas, pagdiskubre
Samakatuwid, maipapalagay na ang pananaliksik ay ang ___ ____ ng impormasyon o ___ ___.
- muling pagtuklas, bagong kaalaman
Ang pananaliksik ay isang paraan o ____ ng pagtuklas o pagdiskubre sa pamamagitan ng ___ o ___ na paraan upang masagot ang mga katanungan, matugunan ang mga pangangailangan, at mapagtibay ang mga dating kaalaman.
- proseso, iskolarli, makaagham
Ayon kina ___ at ____ (2011), “Ang pananaliksik ay isang barometro ng kahusayan ng isang mag-aaral, pinatutunayan nito na napagtagumpayan niya ang mga hamon ng akademya, at ang hamong ito ay ang pagtuklas ng higit pang malawak na karunungang matatagpuan sa labas nito.”
Mayor at Gannaban
Tatlong (3) Kabutihan ng Pagsasagawa ng Pananaliksik
- Pagkatuto ng mahalagang kasanayan
- Ambag sa Karunungan
- Pagtatamo ng Kaalaman
Layunin ng aklat na ito na gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga panimulang hakbang sa paggawa ng isang pananaliksik
- Pagkatuto ng Mahalagang Kasanayan
Bagama’t ang kahusayan sa pananaliksik at pagsusulat niyo ay isang praktikal na kasanayan, mayroon pang gamit ang pananaliksik maliban sa personal na kapakinabangan nito sa bawat indibidwal.
- Ambag sa Karunungan
Sa pagsulat ng pananaliksik, bagama’t ang pakay bilang manunulat ay iulat ang mga natuklasan para sa kapakinabangan ng iba, ang mananaliksik mismo ang siyang unang nakikinabang dito.
- Pagtatamo ng Kaalaman
Iba’t Ibang Anyo ng Papel Pampapanaliksik
- Pamanahong Papel
- Ulat o Report
- Tesis
- Disertasyon
Ito ay tumutukoy sa isang proyekto na nagbubuod ng mga kaalaman o karunungang natamo sa isang buong semestre. Kadalasang tinatawag din itong documented paper, library paper o reading paper.
- Pamanahong Papel
Ito ay pangkalahatang tawag sa alinmang sulatin na masusing naglalarawan ng mga resulta ng mga karanasang firsthand o mga nabasa sa mga primary sources.
- Ulat o Report
Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang malaking proyekto sa pananaliksik. Ang salitang ito ay nangangahulugan ng isang panukala o mga punto de bistang ipinagtanggol sa pamamagitan ng argumento. Kung gayon, ang ___ ay isang mahabang sanaysay na nagreresulta ng isang orihinal na kongklusyon batay sa mga impormasyon na nakuha mula sa pananaliksik.
- Tesis
Ang papel na ito ay nangangailangan ng ibayong pananaliksik at pagbuyo ng mas malawak ng mga ideya. Ito ay dapat na naghahain ng isang orihinal na kontribusyon sa kaalaman sa pamamagitan ng paglalatag ng mga bagong kongklusyon, gayundin ng mga di pa natutuklasang materyales o mga bagong paraan ng pagsusuri.
- Disertasyon
Tatlong (3) Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
- Pangunahing tungkulin ng mananaliksik ang sumagot sa sarili niyang katanungan at patunayan ang kanyang mga pag-aakala at pananaw.
- Dapat ding isaalang-alang ng mananaliksik ang paggalang sa mga datos na nakalap, sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa intellectual property, mga taong kakapanayamin, at mga taong makakasalamuha sa panahon ng pag-aaral.
- Higit sa lahat, mahalaga ang kredibilidad ng isang mananaliksik. Ang orihinalidad ng kanyang pananaliksik ang magtatakda ng kahusayan ng kaniyang isinagawang pagtuklas.