MODULE 3: Ang Teksong Impormatibo Flashcards
Ito ay isang uri ng babasahind di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
- Tekstong Impormatibo
Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang ____ ____ kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
- sariling opinyon
Karaniwang may _____ na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsagawa sya ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito.
- malawak
Limang (5) sulatin o lugar kung saan makikita ang tekstong Impormatibo
- pahayagan o balita
- magasin
- textbook
- reference book (tulad ng encyclopedia)
- website sa internet
Nakatutulong ang tekstong Impormatibo sa pag-unawa sa mga karaniwang paraang pagsulat na ginagamit ng manunulat. Ito ay ang mga sumusunod (4)
- paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi
- pagbibigay-diin sa mahahalagang talasalitaan
- paglalagay ng larawang may paliwanag o caption
- paggamit ng dayagram
Apat (4) na Elemento ng Tekstong Impormatibo
- Layunin ng may-akda
- Pangunahing Ideya
- Pantulong na Kaisipan
- Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng
isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto; at iba pa. Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon
- Layunin ng may-akda
Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang
mga mangyayarii upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa
tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi –
tinatawag din itong organization markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
- Pangunahing Ideya
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
- Pantulong na Kaisipan
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa
binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi
- Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
Tatlong (3) bahagi ng mga Estilo sa Pagsulat na mahalagang malaman ng mga mambabasa
- Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
- Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
- Pagsulat ng mga talasanggunian
makatutulong ang paggamit ng mga
larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo
- Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
nagagamit dito ang mga estilong
tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
- Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.
- Pagsulat ng mga talasanggunian
Tatlong (3) Uri ng Tekstong Impormatibo
- Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
- Pag-uulat Pang-impormasyon
- Pagpapaliwanag