MODULE 7: Ang Tekstong Persuweysib Flashcards
Ang layunin ng tekstong ito ay manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong ito upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba ang siyang tama.
- Tekstong Persuweysib
Ang tekstong persuweysib ay may ____ tono sapagkat malayang ipinapahayag ng manunulat ang kaniyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig
- subhetibong
Ang Tekstong Persuweysib ay ginagamit sa mga iskrip para sa _____, ____ para sa eleksiyon at ____ para sa isang samahan o ____.
- patalastas, propaganda, pagrerekrut, networking
Propaganda Devices o Mga Ginagamit na Instrumento sa Pang-aakit ng Madla
- Name Calling
- Glittering Generalities
- Transfer
- Testimonial
- Plain Folks
- Card Stacking
- Bandwagon
Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika
- Name Calling
Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
- Glittering Generalities
Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
- Transfer
Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-eendorso ng isang tao o produkto
- Testimonial
Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong naghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo
- Plain Folks
Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
- Card Stacking
Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
- Bandwagon
Tatlong (3) Paraan ng Panghihikayat o Pangungumbinsi
- Ethos
- Pathos
- Logos
Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kaniyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito.
- Ethos
Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng kredibilidad.
- Ethos
Ang paraan ng pagsisipi ng sanggunian ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng kredibilidad.
- Ethos