MODULE 1: Ang Pagbasa o Pagbabasa Flashcards
Sino ang editor-in-chief ng “The American Heritage” at awtor ng “Your Heritage Dictionary of Words” na nagsabing ang pagbasa ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na salita?
- William Morris
Ano ang dalawang (2) katangian ng Pagbasa?
a. Naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa, at pagsulat.
b. Lumilinang ng iba’t ibang kakayahan (nagkakaroon ng kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at mga kaugnay na detalye at nakakabuo ng hinuha o palagay)
Ano ang pitong (7) KAHALAGAHAN ng Pagbasa?
- Nadadagdagan ang kaalaman
- Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
- Nakararating sa mga pook na hindi pa nararating
- Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
- Nakakakuha ng mga mahahalagang impormasyon
- Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin
- Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig
napapalalim ang konsepto o kaalaman sa isang bagay
- Nadadagdagan ang kaalaman
hindi lahat ng salita ay mayroon tayong konsepto kaya gumagamit tayo sa mga aklat tulad ng diksyonaryo
- Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
sa pamamagitan ng paglalarawan o pagbibigay ng impormasyon sa lugar na hindi pa natin napupuntahan
- Nakararating sa mga pook na hindi pa nararating
sa pagbasa ng batas at iba pang artikulo na tungkol sa karapatang pantao, natututo tayong magkaroon ng prinispyo
- Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
nakakakalap tayo ng mga pinakabago at mga lumang impormasyong maaaring makatulong sa atin sa pag unawa sa ating ginagalawan
- Nakakakuha ng mga mahahalagang impormasyon
gaya ng pagbasa ng mga joke book o komiks ay nakapagbibigay aliw ito sa atin
- Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin
tulad ng pagbasa ng mga aklat na may temang pagbibigay inspirasyon sa buhay, pag-ibig o pagbangon sa mga problema
- Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig
Apat (4) na PAGHAHANDA sa Pagbabasa:
- Paghahawan ng Sagabal
- Angkop na Lugar
- Pagpopokus sa Atensyon
- Pamilyarisasyon sa Teksto
Pinaniniwalaan na ang bawat isa ay may kanya kanyang istilo ng pagunawa sa teksto tulad ng pababasa habang nakikinig ng musika, kumakain, o nakahiga. Ika nga sa wikang ingles: “You cannot do two (2) things at the same time.”
- Paghahawan ng Sagabal
Pinakaangkop na lugar para sa pagbabasa ay ang silid-aklatan. Bukod sa tahimik ito at may wastong bentilasyon, abot kamay ng mambabasa ang iba’t ibang uri ng aklat, journals, reference materials, at
iba pa.
- Angkop na Lugar
Bilang paghahanda at pagtatamo ng mabisang pamamaraan sa pagbasa ng materyal na teksto, ugaliing magbasa ng walang hinto. Tuwing nagbabasa ng teksto, ugaliing tapusin ito hangga’t maaari.
- Pagpopokus ng Atensyon
Bago basahin ang teksto na kadalasan ay sanaysay, maging pamilyar sa paksa nito. Basahin ang pamagat at alamin kung sino ang may akda nito.
- Pamilyarisasyon sa Teksto