MODULE 5: Ang Tekstong Prosidyural Flashcards
Isang espesyal na uri ng tekstong expository
- Tekstong Prosidyural
Inilalahad nito (Tekstong Prosidyural) ang ___ o mga ____ sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan.
- serye, hakbang
Ang Tekstong Prosidyural ay _____ kung paano ginagawa ang isang bagay.
- nagpapaliwanag
Ang layunin ng Tekstong Prosidyural ay maipabatid ang mga ____ hakbang na dapat ___.
- wastong, isagawa
Ano ang tawag sa mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa?
- do-it-yourself
Ang wastong ____ sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay.
- pag-unawa
Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang ____ ng isang prosisdyur na mauunawaan ng lahat.
- sumulat
Ilang (6) dapat gawain at ilang paalala sa pagsulat ng Tekstong Prosidyural:
- kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin
- malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito.
- gumamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng sinumang gagawa
- maglakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang
- pakaisipin ang layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak
- isulat ito sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat
Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Prosidyural
- Paraan ng Pagluluto o Recipes
- Panuto o Instructions
- Panuntunan sa mga Laro
- Manwal
- Pagbibigay ng Direksyon