MODULE 4: Ang Tekstong Deskriptibo Flashcards
Isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama.
- tekstong deskriptibo
Sa anong pamamagitan itinatala ng sumulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan?
- Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pansalat
Ang tekstong deskriptibo ay naglalayong magsaad ng ____ ____ ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
- kabuoang larawan
Dalawang (2) uri ng paglalarawan
- karaniwan
- masining
_____ ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas
- karaniwan
____ naman kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarwang, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.
- masining
Apat (4) na mahalagang kasangkapan na ginagamit sa mas malinaw na paglalarawan
- wika
- maayos na detalye
- pananaw ng paglalarawan
- isang kabuoan o impresiyon
Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay wika ang gamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay.
- Wika
Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inilalarawan.
- Maayos na detalye
Maaaring makaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaaring maganda sa isang naglalarawan habang sa isa naman ay hindi kung ito ay nagdulot sa kanya ng isang magandang
karanasan.
- Pananaw ng paglalarawan
Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga
mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o
tagapakining nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng paglalarawan.
- Isang kabuoan o impresiyon