MODULE 6: Ang Tekstong Argumentatibo Flashcards
1
Q
Ito ay tekstong naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat.
A
- Tekstong Argumentatibo
2
Q
Ano ang inilalahad ng may-akda upang makumbinsi ang mambabasa?
A
- argumento
- katwiran
- ebidensyang nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto
3
Q
Pitong (7) Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
A
- Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo
- Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito
- Mangalap ng ebidensya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon
- Gumawa ng borador o draft
- Isulat ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo
- Basahing muli ang isinulat upang maiwasan ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks
- Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.
4
Q
Kahalagahan ng Tekstong Argumentatibo
A
- Ito ay nagbibigay-daan sa atin na maipahayag ang ating mga opinyon, magbigay-katwiran, at makipagtalakayan sa mga mahahalagang isyu
- Nagkakaroon tayo ng pagkakataon na magkaroon ng masusing pagsusuri at pag unawa sa mga pangunahing isyu sa ating lipunan