MODULE 2: Ang Tekstong Naratibo Flashcards

1
Q

Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon, o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

A
  • Tekstong Naratibo
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Pangunahing layunin ng tekstong naratibo ay _____ ng mga pangyayaring ____ o ___-__ o saya.

A
  • makapagsalaysay, nakapanlilibang, nakapagbibigay-aliw
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ano ang itinuturo ng tekstong naratibo sa mambabasa?

A
  • kabutihang asal
  • mahahalagang aral
  • mga pagpapahalagang pangkatauhang tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ang mga mambabasa ay _____ ____ ng manunulat sa isang tekstong naratibo at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang sinasalaysay.

A
  • direktang isinasama
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Mga iba’t ibang uri ng naratibo (11)

A
  • maikling kuwento
  • nobela
  • kuwentong-bayan
  • mitolohiya
  • alamat
  • epiko
  • dula
  • mga kuwento ng kababalaghan
  • anekdota
  • parabula
  • science fiction
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ano ang pagkakapareho ng mga tekstong naratibo?

A
  • ang bawat isa’y nagkukuwento
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Apat (4) Iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View/Punto de Vista) sa Tekstong Naratibo

A
  • Unang Panauhan
  • Ikalawang Panauhan
  • Ikatlong Panauhan
  • Kombinasyong Pananaw o Paningin
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ano ang pinakakaraniwang ginagamit na pananaw o paningin sa naratibo?

A
  • una at ikatlong panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na “ako”.

A
  • Unang Panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na “ka” o “ikaw” subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat a kanilang pagsasalaysay.

A
  • Ikalawang Panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “siya”. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.

A
  • Ikatlong Panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Dito, hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan
ang naipakikilala sa bawat kabanata.

A
  • Kombinasyong Pananaw o Paningin
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Tatlong (3) uri ng Ikatlong Panauhan

A
  • Maladiyos na Panauhan
  • Limitadong Panauhan
  • Tagapag-obserbang Panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.

A
  • Maladiyos na panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan. Subalit hindi ang sa iba pang tauhan.

A
  • Limitadong panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos,
o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.

A
  • Tagapag-obserbang panauhan
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

Dalawang (2) Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin

A
  • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
  • Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
18
Q

Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.

A
  • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
19
Q

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginaganlitan ng panipi.

A
  • Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
20
Q

Apat (4) na Elemento ng Tekstong Naratibo

A
  • Tauhan
  • Tagpuan at Panahon
  • Banghay
  • Paksa o Tema
21
Q

Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay nito. Ang dami o bilang ay dapat umayon sa pangangailangan.

A
  • Tauhan
22
Q

Dalawang (2) Paraan ng Pagpapakilala sa Tauhan

A
  • Expository
  • Dramatiko
23
Q

Ang paraan ng pagpapakilalang ito ay ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan

A
  • Expository
24
Q

Ang paraan ng pagpapakilalang ito ay kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag

A
  • Dramatiko
25
Q

Apat (4) na Karaniwang Tauhan sa mga Akdang Naratibo

A
  • Pangunahing Tauhan
  • Katunggaling Tauhan
  • Kasamang Tauhan
  • Ang May-akda
26
Q

Sa tauhang ito umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang katapusan. Karaniwan ay iisa lamang ang tauhang ito. Ang kanyang katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuuan ng akda.

A
  • Pangunahing Tauhan
27
Q

Ang tauhang ito ang siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagka’t sa tunggaliang nangyayari sa kanilang pagitan kaya nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.

A
  • Katunggaling Tauhan
28
Q

Ang tauhang ito ang karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang papel o tungkulin nito ay sumuporta, hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.

A
  • Kasamang Tauhan
29
Q

Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang tauhang ito ay lagi nang magkasama sa kabuooan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang tauhan na ito.

A
  • Ang May-akda
30
Q

Dalawang (2) Uri ng Tauhan na Maaaring Makita sa isang Tekstong Naratibo ayon kay E.M. Forster

A
  • Tauhang bilog o Round character
  • Tauhang lapad o Flat character
31
Q

Isang tauhang may multidimensyonal o maraming saklaw ang personalidad.

A
  • Tauhang bilog o Round character
32
Q

Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.

A
  • Tauhang lapad o Flat character
33
Q

Ang ____ ay tumutukoy hindi lang ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari

A
  • Tagpuan at Panahon
34
Q

Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

A
  • Banghay
35
Q

Anim (6) na Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo

A
  • Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauban, tagpuan at tema (Orientation or Introduction)
  • Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (Problem)
  • Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (Rising action).
  • Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (Climax)
  • Pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (Falling action)
  • Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (Ending)
36
Q

Ano ang tawag sa ibang uri ng banghay na hindi sumusunod sa kumbensioynal na simula-gitna-wakas.

A
  • Anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod
37
Q

Tatlong (3) Uri ng Anachrony

A
  • Analepsis (Flashback)
  • Prolepsis (Flash-forward)
  • Ellipsis
38
Q

Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

A
  • Analepsis (Flashback)
39
Q

Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.

A
  • Prolepsis (Flash-forward)
40
Q

May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

A
  • Ellipsis
41
Q

Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa.

A
  • Paksa o Tema